Cardinal Tagle, nagpapasalamat sa suporta ng mga manananampalataya

SHARE THE TRUTH

 10,492 total views

Nilinaw ni Cardinal Tagle sa mga mananampalataya isang press conference sa Pontificio Colegio Filipino sa Rome ang “conclave” ay isang spiritual learning kung saan ang criteria ay hindi katulad sa nangyayari sa mundo.

“Pero ito ay isang spiritual learning sa atin na when it comes to the Ministry in the church, ang criteria, ang approach ay hindi katulad ng nangyayari sa mundo. Disiplinado dapat kaming lahat na hindi iisipin o magpadala ka na “kandidato ako”.Walang kandi-kandidato dito..balik ka doon sa babanggitin mo sa pagboto mo, haharap ako sa diyos na huhusga sa akin.”paglilinaw ni Cardinal Tagle

Ipinaliwanag naman ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang mga nagulat sa hindi pagkakapili kay Cardinal Tagle ay merong ini-expect na kandidato.

“Siguro yung nagulat ay dahil merong ini-expect kaagad na parang kandidato o may manok and if you remember bago ako umalis pa roma ay pinaalala ko na sa lahat ng mga kapatid natin na walang kandidato sa election (conclave) at kami ay nagtungo ng Roma para pakinggan kung sino ang nasasapuso ng diyos.”pahayag ni Cardinal David

Hinimok naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na pasalamatan ang panginoon sa pagbibigay sa atin ng kanyang handog na bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV.

“Magpasalamat tayo sa panginoon sa pagbigay sa atin ng kanyang handog na bagong santo papa in the person of Pope Leo XIV and then we all know na although sa tingin po natin ay being a pope is an honor, pero ito ay very responsibility.Kailangan ng Santo Papa ang dasal nating lahat, ang pag-offer natin para sa kanya, sa kanyang paschal ministry ng kung anumang magagawa natin.”panawagan ni Cardinal Advincula

Naunang pinayuhan ni Radio Veritas News consultant, Fr.Jerome Secillano, rector ng Edsa Shrine at executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philppines Permanent Committee on Public Affairs ang mga nalulungkot sa hindi pagkakahirang kay Cardinal Tagle na Santo Papa na maging proud sa suporta at panalangin para sa Pro-Prefect for Dicastery of Evangelization.

Author : Arnel Pelaco, Reyn Letran- Ibañez, New Media Broadcast

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 20,235 total views

 20,235 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 35,786 total views

 35,786 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 49,148 total views

 49,148 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 63,822 total views

 63,822 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 81,211 total views

 81,211 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 2,371 total views

 2,371 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 79,793 total views

 79,793 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Scroll to Top