Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, inilunsad ang HAPAG-ASA feeding program sa St. John Bosco Parish

SHARE THE TRUTH

 735 total views

Inilunsad ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas Damayan ang Nutrition and Feeding Program sa Saint John Bosco Parish sa Tondo, Manila.

Ang programa ng social arm ng Archdiocese of Manila na mas kilala bilang Hapag-Asa Feeding Program ay naglalayong matugunan at maiwasan ang dumaraming bilang ng mga batang nakakaranas ng kagutuman at malnutrisyon.

Katuwang ng Caritas Manila ang Rotary Club of Makati (RCM) na naglaan ng P500,000 pondo bilang pansuporta sa programa ng institusyon sa loob ng anim na buwan para sa higit-150 mga bata na saklaw ng parokya.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual, mahalagang mabigyang-pansin ang suliranin ng malnutrisyon sa bansa lalo na sa mga kabataan nang sa gayon ay makatulong sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan at isipan.

“We have to save the child as soon as possible at ito nga mayroon tayong six months program na Hapag-Asa para maligtas ang bata at mabigyan ng mas normal na kinabukasan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nangako naman si Rotary Club of Makati President Luis Angel Aseoche na ang organisasyon ay patuloy na tutulong at susuporta sa mga adhikain at programa ng Caritas Manila.

Pagbabahagi ni Aseoche na bagamat magtatapos na ang kanyang termino bilang pangulo ng RCM sa Hunyo 30 ay ipagpapatuloy at paiigtingin naman ng susunod na pamunuan ang pagpapabuti sa nutrisyon at pagtugon sa kagutuman ng mga bata mula sa mga mahihirap na komunidad.

“Tamang-tama sa transitioning from my term to the next term, we have as beneficiaries children of school age because they need to have good nutrition for their brains to develop and for them to have a fighting chance to succeed in life and to improve their economic conditions,” ayon kay Aseoche.

Nagpapasalamat naman si Fr. Gaudencio Carandang, Jr., kura paroko ng St. John Bosco Parish-Tondo sa inisyatibo ng Caritas Manila dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa pagtugon sa kagutuman at malnutrisyon ng mga bata.

Tinatayang aabot na sa higit-5,000 ang benepisyaryo ng Hapag-Asa Feeding Program ng Caritas Manila.

Batay sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF noong 2021, nasa 45-milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,645 total views

 9,645 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,745 total views

 17,745 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,712 total views

 35,712 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,033 total views

 65,033 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,610 total views

 85,610 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,921 total views

 7,921 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,212 total views

 9,212 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,611 total views

 14,611 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,595 total views

 16,595 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top