Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

SHARE THE TRUTH

 66,125 total views

Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan.

Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan lalo na ang mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Sinabi pa ng opisyal na ang Alay Kapwa ng Caritas Manila ay pagkakataon nang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagmamalasakit maging sa napapabayaan ng lipunan.

Ayon pa kay Fr. Pascual ang Alay Kapwa ay isang kongkretong hakbang na ang pananampalataya na nakikita sa gawa.

“Unang-una ang ating pinapalaganap dito ang pananampalataya na nakikita sa gawa. Sabi nga sa John 1:4 ang bunga ng tunay na pananampalataya ay pag-ibig at hindi kasakiman, karahasan ang bunga ng pananampalataya ay pag-ibig dahil ang diyos ay pag-ibig at ang pag-ibig na ito ay nakikita sa ating pagmamalakasakit lalung lalo na doon sa napapabayaan sa lipunan mga nasa laylayan mga may sakit mga biktima ng kalamidad,” ayon kay Fr. Pascual.

Ipinaliwanag ng pari na ang pananampalataya ay pag-ibig hindi kasakiman at karahasan dahil ang Diyos ay pag-ibig at ito ay naipapakita sa ating pagmamalasakit sa ating kapwa.

At sa karaniwang pagkakataon, ang mga dukha ang palagiang biktima ng kalamidad sapagkat sila ang hindi nasa magandang kalagayan, kulang sa edukasyon, sa pananalapi, kasanayan at nutrisyon.

Layon ng Caritas Manila Alay Kapwa telethon na makalikom ng 5-milyong pisong donasyon para sa mga programa ng institusyon sa mahihirap at biktima ng kalamidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 5,157 total views

 5,157 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 19,868 total views

 19,868 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 32,726 total views

 32,726 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 107,018 total views

 107,018 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 162,672 total views

 162,672 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 2,165 total views

 2,165 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 4,599 total views

 4,599 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 19,742 total views

 19,742 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567