Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines at DENR, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

 29,982 total views

Lumagda sa kasunduan ang Caritas Philippines at Department of Environment and Natural Resources – Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) upang higit na pagtibayin ang programang pagtatanim ng mga kawayan sa buong bansa.

Ito ay ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa Caritas Philippines Bamboo Forest Project na mahalagang hakbang upang wastong maipatupad at maisulong ang inisyatibong pangangalaga sa inang kalikasan.

Umaasa si Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na sa pamamagitan ng kasunduan ay higit pang maipalaganap ang pagbuo ng bamboo sanctuary sa 86 diyosesis sa buong bansa.

“We look forward with the partnership that we have with the government through the DENR na lahat ng dioceses—86 dioceses all over the Philippines—we can always assume and conclude na maging successful ito so that the whole Philippines will be a bamboo country in Asia,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nagagalak naman si DENR-ERDB Assistant Director Conrado Marquez na maibabahagi ng ahensya ang kakayahan at kaalaman tungkol sa bamboo propagation lalo na sa mga pamayanang madalas na dinadaan ng mga sakuna at kalamidad.

Pangako ni Marquez ang pagsuporta ng DENR-ERDB sa lahat ng inisyatibo at programa ng simbahan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kapaligiran lalo na sa mga kagubatan sa bansa.

“It’s an honor and privilege, I should say that we accept this request for partnership and particulary for us to provide the needed technical assistance in Caritas Philippines Bamboo project… We would like to thank Caritas Philippines for giving us the confidence to provide the technical assistance they need,” ayon kay Marquez.

Maliban kina Bishop Bagaforo at Marquez, kasama ring lumagda sa MOU sina Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr; at DENR-ERDB Supervising Admin Officer Danilo Sabiniano.

Nasimulan na ang proyekto sa Arkidiyosesis ng Capiz at Jaro, Iloilo, at Diyosesis ng San Carlos, Negros Occidental sa tulong ng United States Agency for International Development o USAID katuwang ang Gerry Roxas Foundation.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos 33-ektaryang lupain ang napakinabangan ng Caritas Philippines para maging taniman ng mga kawayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 16,238 total views

 16,238 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,298 total views

 30,298 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 48,869 total views

 48,869 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 73,686 total views

 73,685 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 16,198 total views

 16,198 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567