Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nagagalak sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

 4,009 total views

Labis ang kagalakan ng humanitarian, advocacy, at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV, na kinikilala bilang pinunong may tapang at malasakit sa mga pinakaapektado ng krisis sa klima.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, nawa’y ang pamumuno ng bagong Santo Papa ay magsilbing panibagong lakas upang harapin ang lumalalang climate emergency na patuloy na nagpapaalis sa mga pamilya, pumipinsala sa kabuhayan, at naglalagay sa panganib sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“His call to “move from words to action” must not remain a slogan. We echo this urgent appeal and call on the global Church, governments, and all sectors of society to step up and respond with courage and conviction,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, na siya ring CBCP Bishop-Champion for Integral Ecology at lead convenor ng Laudato Si’ Convergence, handa ang Caritas Philippines na makipagtulungan sa bagong Santo Papa upang gawing konkretong pagkilos ang pananampalataya para sa pangangalaga sa kalikasan.

Tiniyak din ng obispo na mananatiling matatag ang Simbahan sa panawagan para sa katarungang pangkalikasan, lalo na para sa mga pamayanang nangunguna sa mga labis na apektado ng krisis sa klima.

“We pray that under Pope Leo XIV’s leadership, the Church will stand even more firmly with communities on the frontlines of ecological
collapse. We are ready to work alongside him in turning faith into action for the care of our common home,” ayon kay Bishop Alminaza.

Si Papa Leon XIV, o Cardinal Robert Prevost, OSA, ay ang dating prefect ng Vatican Dicastery for Bishops bago mahalal bilang ika-267 Santo Papa.

Ipinanganak sa Chicago sa America, si Prevost ay miyembro ng Augustinian Order at naglingkod bilang obispo ng Diocese of Chiclayo, Peru, kung saan kinilala ang kanyang malasakit sa mga mahihirap at katutubong pamayanan.

Kilala rin si Papa Leon XIV sa kanyang matatag na paninindigan sa mga usaping panlipunan tulad ng climate justice, migration, at karapatang pantao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disenteng bilangguan

 2,728 total views

 2,728 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 13,543 total views

 13,543 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 44,195 total views

 44,195 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 56,457 total views

 56,457 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 67,608 total views

 67,608 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walang itinatakwil ang Panginoon

 905 total views

 905 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top