CBCP-ECMI, dismayado kay pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 781 total views

Ikinadismaya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang kakulangan ng pagtalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga hakbang na tulungan ang Overseas Filipino Workers (OFW) na manatili at magtrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Romblon Bishop Narcisso Abellana, chairman ng CBCP-ECMI, ipinakita sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Punong Ehekutibo na pinapahalagahan lamang ng pamahalaan ang kikitain sa remittances o salaping ipinapadala ng mga O-F-W.

Ipinaliwanag ni Bishop Abellana na bagamat kinikilala ang pagpapalawak ng mga trabaho sa mga OFW sa ibang bansa ay mas nararapat tiyakin ng pamahalaan na mayroong trabaho at sapat na kita sa bansa ang mga Pilipino para hindi na maghanap ng trabaho sa ibayong dagat.

“There’s no plan to bring our OFW back to the Philippines so kailangan pa silang manatiling mag-work, separate parin sila sa kanilang pamilya, maraming magagandang balak na kailangan naman na matutustusan so siguro gusto niya manatili yung mga OFW sa abroad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa kay Bishop Abellana.

Ito rin ang naging mensahe ni Father Roger Manalo Executive Secretary ng CBCP-ECMI sa SONA ng Pangulo.

Binigyan diin ng Pari na dapat tinutukan ng pamahalaan ang ‘Reintigration Program’ na magbibigay kabuhayan sa mga migrant worker na bumabalik sa Pilipinas matapos mawalan ng trabaho sa ibang bansa.

“Ang mga OFWs ay bumabalik, so ano yung ginagawa po ng government? kasi yan yung kulang natin pagdating po dito, underemployed nanaman po o kaya ay unemployed yun po yung what can the government do about the situation of the OFW when they return to the Philippines rather than just marketing yung OFWs po,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Manalo.

Ikinadismaya rin ng grupong MIGRANTE – HONG KONG ang kakulangan ng Pangulo na tugunan ang lokal na sektor ng mga manggagawa.

Ayon kay Dolores Balladares-Pelaez – Chairperson ng MIGRANTE – HONG KONG, ito ay dahil narin walang ibang layunin ang sektor ng mga OFW kungdi ang makauwi sa bansa at palagiang makasama ang kanilang mga pamilya.

Giit pa ni Pelaez, bagamat mas malaki ang kinikita ng mga OFW sa ibang bansa kumpara sa suweldo sa Pilipinas ay nananatiling mapanganib para sa sektor ang mga magtrabaho sa banyagang bansa.

Sa unang SONA ng Pangulo ay kaniyang natalakay ang paglulunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino na makapag-trabaho sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,275 total views

 51,275 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,144 total views

 47,144 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,346 total views

 83,346 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,945 total views

 91,945 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,935 total views

 116,935 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top