CBCP-ECPPC, nanawagan sa mananampalataya na ipagdasal ang mga kawani ng Bureau of Corrections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,806 total reads

Hinihikayat ng prison ministry ng Simbahang Katolika ang bawat isa na ipanalangin ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nangangasiwa sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty o mga bilanggo.

Ayon kay Rev. Fr. Nezelle O. Lirio, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) mahalagang ipanalangin ang mga nangangasiwa sa mga bilangguan lalo’t higit ang kasalukuyang pamumuno ni BuCor acting Director Gregorio Catapang Jr.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pananalangin para sa paggabay ng Panginoon sa mga nangangasiwa sa bilangguan ay pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga bilanggo na nararapat ding protektahan at igalang ang mga karapatan at dignidad bilang tao.

“Isa pong magagawa po natin ay magdasal, ipagdasal po natin lalong lalo na po si (BuCor) acting Director Gregorio Catapang Jr. sa kanyang pamumuno sa NBP po para matulungan yung mga PDLs natin na protektahan sila sa kanilang buhay, maingatan po sila kasi mga tao din po yung mga bilanggo.” pahayag ni Lirio sa Radio Veritas.

Matatandaang si Director Catapang ang humalili kay dating BuCor head Gerald Bantag na humaharap ngayon sa iba’t ibang kaso dahil sa mga alegasyon ng maanomalyang pamamalakad at pang-aabuso sa mga bilanggo sa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor).

Una ng nanawagan ang prison ministry ng Simbahan na nararapat ng magkaroon ng pagbabago sa punitive mentality na namamayani sa bansa.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika na ang pagbibilanggo ay hindi lamang para parusahan ang mga taong lumabag sa batas sa halip ay upang mapaghilom din ang pagkasirang tinamo ng mga nagkasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 8,650 total reads

 8,650 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 44,685 total reads

 44,685 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,091 total reads

 101,091 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,372 total reads

 224,372 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top