2 total views
Isang araw bago ang 2025 Midterm election, tinawag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na fake news at panloloko ang kumakalat na social media post na nag-endorso ng senatorial candidates ang CBCP.
Sa inilabas na statement, hinimok ni CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin ang mga social user na pagnilayan at alamin ang katotohanan sa mga nababasa na social media post tulad ng sulat na may lagda ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David bago mag-react at magkomento.
Nilinaw ni Msgr.Pantin na ang CBCP ay hindi nag-eendorso ng kandidato sa halip ay nagbibigay ng guidelines sa tamang pagboto.
Itinuring din ng Diocese of Kalookan ang kumukalat na letter of endorsement na nilagdaan ni Cardinal na fake news at panlilinlang sa mamamayan.