Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CEAP, nanawagan sa business sector na bigyan ng trabaho ang SHS graduates

SHARE THE TRUTH

 2,358 total views

Hinimok ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Private business sector na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga polisiya sa pagtanggap ng mga job applicant.

Ayon kay Jose Allan Arellano – Executive Director ng CEAP, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Senior High School (SHS) graduates na magkaroon o makasabay sa paghahanap ng mga trabaho.
“One of the keys to solving that is to ensure proper training of SHS graduates, but the greater solution is encouraging the business sector to expand or create more opportunities for entrepreneurship, the government, therefore, through its monetary and fiscal programs can help a lot to stimulate the economy and create more jobs,” mensahe sa Radio Veritas ni Arellano.

Inihayag ni Arellano ang patuloy na pakikipagtulungan at pananatiling bukas ng CEAP sa pakikipagdiyalogo sa pribadong sektor upang matulungan ang mga nagsipagtapos ng Senior High na magkaroon ng trabaho.
Nangangamba si Arellano na mahirapang makasabay ang mga senior high graduate sa mga nagtapos ng karera sa kolehiyo sa paghahanap ng trabaho.

Tiniyak din ng opisyal ng CEAP na maayos , matatag at napapanahon ang mga itinuturong paksa o pagsasanay ng mga katolikong paaralan at institusyon sa mga SHS student upang maging handa sa pagkakaroon ng trabago pagkatapos mag-graduate.

“Most companies use a hiring and recruitment policy based on merits and qualification of applicants, if they are faced with applicants who are coming straight from SHS and those who have tertiary education, they tend to get the one with better skills and educational background, and if there are less opportunities in the business sector and more job applicants, the ones who suffer are those with less experience and years of education,” bahagi pa ng mensahe at pangamba ni Arellano nang dahil sa kakulangan ng oportunidad para sa mga SHS Graduates.

Ginawa ni Arellano ang panawagan kasunod ng paalala ng Department of Education sa paglulunsand ng MATATAG agenda na layuning tulungan ang mga SHS Graduates na magkaroon ng sapat na kasanayan at kakayahan.
Pinaiigting rin ng MATATAG agenda ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa pagbibigay ng oportunidad makapagtrabaho kasabay ng pagkakaroon ng sapat na agapay sa mga gurong nagtuturo sa SHS.

Batay sa datos ng DEPED, 10% lamang ng mga SHS graduates taon-taon ang nagkakaroon ng trabaho habang umaabot naman sa 83% ang nagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 10,795 total views

 10,795 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 29,129 total views

 29,129 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 46,904 total views

 46,904 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 122,820 total views

 122,820 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 146,569 total views

 146,569 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top