Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CFC-FFL, Kinundena ang Pagpatay sa mga Pari

SHARE THE TRUTH

 479 total views

Mariing kinondena ng Couples For Christ Foundation for Family and Life o CFC-FFL ang madugong pagpaslang sa tatlong Pari ng Simbahang Katolika.

Ayon sa grupo, sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas kung saan malaki ang naging bahagi ng Simbahan dahil sa pagiging Martir ng tatlong paring sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora, ay nagdadalamhati ang Inang Simbahan dahil sa nakababahalang pagpaslang sa kanyang mga Pastol.

“Today has become a day of mourning for the Bishops and the Clergy. We, the Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL), a duly recognized Catholic community of the lay faithful, stand in solidarity with our Bishops and the Clergy, for the alarming gruesome killings of three Catholic Priests: Fr. Richard Nilo is the third Catholic priest to be murdered in the recent months. Fr. Tito Paez in December 2017, Fr. Mark Anthony Ventura in May 2018.” Bahagi ng pahayag ng grupo.

Iginiit ng CFC-FFL na labis na ang ginagawang paglapastangan sa Simbahang Katolika at ang mga paring pinaslang ay malinaw na walang kinalaman sa Iligal na droga o anumang Krimen na lumalaganap sa lipunan.

Naninindigan ang grupo na hindi mananahimik ang Simbahan sa Kawalang Katarungang umiiral ngayon sa Lipunan.

Anila, ang misyon ng bawat mananampalataya na pagpapalaganap ng turo ng Panginoong Hesukristo ay hindi lamang dapat sa pamamagitan ng mga salita kundi sa pamamagitan ng mga gawa.

“We cannot remain silent as we preach the mission of Our Lord Jesus Christ and see all these savage acts happening to our country. The Gospel of God’s love for man, the Gospel of the dignity of the person, and the Gospel of Life are a single and indivisible Gospel.” Dagdag pa ng grupo.

Matatandaang noong Disyembre 2017 ay pinaslang si Rev. Fr. Marcelito Paez ng mga hindi pa nakikilalang salarin at wala pang isang taon ay sinundan agad ito ng pagpatay kina Rev. Fr. Mark Ventura noong Mayo 2018 at Rev. Fr. Richmond Nilo ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 28,379 total views

 28,379 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,047 total views

 37,047 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 45,227 total views

 45,227 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 40,919 total views

 40,919 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 52,969 total views

 52,969 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 89,833 total views

 89,833 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 74,874 total views

 74,874 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top