Child warriors recruitment, wakasan na

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Umaasa ang Children’s Legal Rights and Development Center sa tuluyang pagsasabatas ng CSAC Bill o Children in Situations of Armed Conflict Bill na naglalayong protektahan ang mga kabataan na gamitin sa armadong pakikibaka.

Ayon kay Rowena Legazpi, chairperson ng Children’s Legal Rights and Development Center, ang panukala ay tugon sa patuloy na paggamit ng mga armadong grupo sa mga bata bilang child soldiers.

Sinabi ni Legazpi na nakapaloob sa CSAC Bill ang probisyon na mariing nagbabawal sa recruitment ng mga kabataan ng iba’t-ibang armadong grupo maging sa panig ng military.

Kaugnay nito, batay sa pagsusuri ng United Nations nananatiling malaking problema sa Pilipinas ang patuloy na paggamit sa mga kabataan bilang child soldiers ng iba’t-ibang armadong grupo partikular na sa rehiyon ng Mindanao.

Sa Trafficking in Persons Report 2017 ng US State Department, patuloy ang problema partikular na sa rehiyon ng Mindanao kung saan nakapagtala ng may aabot sa 178 mga armadong kabataan o child soldiers.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, isa sa pangunahing karapatan ng bawat kabataan ang makapag-aral upang maayos na mahubog ang kanilang mga kamalayan at malinang ang mga kaalaman.

Matatandaang sa naganap na Encounter with the Youth sa University of Sto.Tomas ni Pope Francis noong
ika-18 ng Enero taong 2015, hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 22,909 total views

 22,909 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 65,123 total views

 65,123 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 80,674 total views

 80,674 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 93,897 total views

 93,897 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 108,309 total views

 108,309 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top