CHR, umaasang ipatupad ng PNP ang maximum tolerance sa SONA

SHARE THE TRUTH

 1,339 total views

Umaasa ang Commission on Human Rights na tupdin ng mga kawani ng Philippine National Police ang ipinangako na pagpapatupad ng maximum tolerance sa mga magpo-protesta sa ikalawang State of the Nation Address sa ika-24 ng Hulyo, 2023.

Ayon sa CHR mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga alagad ng batas sa malayang pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang mga saloobin sa isang mapayapang pamamaraan.

“Law enforcers play an important role in enabling the citizens to exercise their rights in a safe and secure environment. We are hopeful that the PNP’s statement of assurance will translate to efforts by State forces to protect and facilitate the right to peaceful protest in the same manner that they will endeavor to ensure peace and order.”pahayag ng CHR.

Nanawagan naman ang komisyon sa iba’t ibang grupo na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang pagpapahayag ng mga opinyon at saloobin sa paraan ng pamamahala sa bansa.

Paliwanag ng CHR, ang SONA ay isa ring pagkakataon para sa taumbayan upang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa tunay na kalagayan ng bayan na bahagi ng karapatan ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.

“As an important national event, SONA serves as an opportunity for many groups and individuals to express their views, stances, and grievances on important national issues. This reflects active participation in national affairs, which is vital for a thriving democracy and an inclusive and accountable governance.” Dagdag pa ng CHR.

Sa bilang ng pamahalaan, aabot sa 22,000 uniformed personnel mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang itatalaga sa kapaligaran ng Batasang Pambansa Complex upang pangasiwaan ang seguridad sa SONA.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 9,371 total views

 9,371 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 51,585 total views

 51,585 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 67,136 total views

 67,136 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 80,430 total views

 80,430 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 94,842 total views

 94,842 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top