Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Climate crisis, hindi kathang-isip

SHARE THE TRUTH

 2,805 total views

Iginiit ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na tunay nang nangyayari ang epekto ng climate crisis.

Ayon kay Bishop Bagaforo, hindi na maituturing na kathang-isip lamang ang epekto ng krisis sa klima dahil higit pang lumalala ang pag-init ng temperatura ng daigdig na nagiging sanhi ng mas malalakas na sakuna at kalamidad hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bahagi ng mundo.

Binigyang-diin ng obispo ang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa apostolic exhortation na Laudate Deum na hinihikayat ang bawat isa na hindi na sapat ang pag-iisip ng mga dapat gawin upang matugunan ang pinsala sa kalikasan, bagkus higit nang kailangan ang pagkilos upang tuluyang mapigilan ang lumalalang krisis sa kapaligiran.

“Climate crisis is real! Hindi na ito isang imahinasyon na lamang. Damang-dama na natin ang pagbabago ng panahon. Pope Francis, with Laudate Deum has outlined for us what we should be doing to avert the effects of the planetary crisis,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Una nang ibinahagi ng Santo Papa sa Laudate Deum ang pagkabahala sa mga nangyayaring pinsala sa nag-iisang tahanan kung saan hindi na ito maituturing na climate change lamang kun’di climate crisis.

Ang Laudate Deum ang panibagong apostolic exhortation ng Santo Papa Francisco na sumusuporta sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ upang paigtingin ang pagkilos at pangangalaga sa naghihingalong kalikasan.

Isinapubliko ito noong Oktubre 4, 2023, kasabay ng paggunita sa patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Asis, at pagtatapos sa pandaigdigang pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,551 total views

 22,551 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 30,651 total views

 30,651 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,618 total views

 48,618 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,715 total views

 77,715 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,292 total views

 98,292 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,773 total views

 8,773 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,059 total views

 10,059 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,463 total views

 15,463 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top