207 total views
Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mutual Relations na aayusin ng bagong administrasyon ang financial management ng pera ng taongbayan.
Tinukoy ni CBCP-ECMR chairman Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma ang maayos na financial management ng Duterte administration lalo na sa “debt management” o pagbabayad sa mga utang ng Pilipinas.
Inihayag ni Archbishop Ledesma na malaki ang tiwala ng sambayanang Filipino na gagamitin ng bagong administrasyon sa maayos at corruption free na mga proyekto para sa common good ng mamamayan ang public funds.
“That we really need good financial management especially in terms ng mga debt management and also making sure that there is proper use of public funds. Kagaya ng for public works ngayon and also for creating more jobs and employment,” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.
Umaasa din ang Arsobispo na ipagpatuloy ng Duterte administration ang pagpapalago ng ekonomiya ng bansa kung saan base sa nationwide survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula April 1 hanggang May 17, 2016 ay pumalo sa 48.7 percent ang confidence index o business outlook mula sa dating 41.9-percent.
See:http://www.veritas846.ph/arsobispo-sa-bagong-administrasyon-palaguin-pa-ang-ekonomiya-ng-bansa/
Gayunman, itinuturing nina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo na propaganda lamang ng administrasyong Aquino ang lumabas sa survey ng SWS na bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Sinabi ni Bishop Ongtioco na masarap pakinggan kung totoong bumaba ang bilang ng mga mahihirap ngunit hindi nararamdaman ng mga dukha ang sinasabing kaunlaran ng administrasyong Aquino.
Inihayag ng Obispo na nakikita niya na marami pa rin ang mga mahihirap at walang trabaho sa bansa.
Tinawag naman ni Bishop Arigo na pampapogi lamang o kunyaring legacy ng outgoing administration ang survey na kakaunti na lamang ang naghihirap sa Pilipinas.
See:http://www.veritas846.ph/pagbaba-ng-bilang-ng-mahihirap-sa-bansa-propaganda-lamang
Sinasabi sa survey ng SWS na 700-libong pamilyang Pilipino na ang nakaahon sa kahirapan.