4,768 total views
Hinimok ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang mamamayan na magbuklod tungo sa pagkakamit ng kapayapaan. Ayon sa obispo matatamo ang kapayapaan ng mundo sa pamamagitan ng pakikiisa, pakikipagdiyalogo, pakikinig, at pakikilahok tulad ng layunin ng isinasagawa ngayon ng simbahan na synodal process.
“Today, more than ever, peace requires our vigilant and creative presence. Peace, world peace starts with each of us. Let there be peace on earth and let it begin with me. Before having even the ambition of building world peace, let us start with building peace in our little world. First, within ourselves, in our families, in our communities,” ayon kay Bishop Buzon.
Binigyang diin ni Bishop Buzon na ang kasalukuyang digmaan ng mundo tulad ng mga nangyayari sa Israel at Gaza ay bunga ng ilang siglong sigalot tulad ng inilathala sa aklat ng Genesis na hindi pag-uunawaan ng magkapatid na Ismael at Jacob kaya’t ang mga digmaan ay maituturing na ‘fratricide’.
Ikinalunglot ng obispo ang lumalalang sigalot sa iba’t ibang bahagi ng daigdig kung saan pawang mga inosenteng mamamayan ang biktima at nagdurusa sa epekto ng digmaan.
“War is the greatest tragedy of our time. The world suffers from the plague of wars, which escalates and multiplies day by day. War is today’s greatest scourge that leaving the world broken and divided,” giit ni Bishop Buzon.
Iginiit ng pastol na ang digmaan at karahasan ay hindi tugon sa mga hindi pagkakaunawaan subalit nagpapalalim ito sa mga sugat na aabutin ng henerasyon ang paghihilom.
Dismayado rin si Bishop Buzon sa mga makapangyarihang bansa na nakikinabang sa mga digmaan dahil lalong umuusbong ang negosyo sa armas.
Pinangunahan ni Bishop Buzon ang pagdiriwang ng banal na misa sa ikatlong araw ng retreat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Synodal Consultations sa Immaculate Conception Parish o Baclayon Church sa Baclayon Bohol.
Katuwang ng obispo sa pagdiriwang sina San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda at Prosperidad Bishop Ruben Labajo kasama ang iba pang mga obispo kabilang sina Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng CBCP.