Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dignidad ng mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

 687 total views

Mga Kapanalig, kasunod ng ulat na dalawa hanggang tatlong bilanggo ang namamatay halos araw-araw sa New Bilibid Prison, ipinag-utos ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang pag-autopsy sa labî ng mga namatay na nakalagak sa Eastern Funeral Services, isang puneraryang accredited ng Bureau of Corrections.

Natuklasan ang mga bangkay matapos imbestigahan ng awtoridad ang pagkamatay ni Jun Villamor, isang bilanggo sa Bilibid na sinasabing isa sa mga middlemen sa likod ng pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid. Ayon sa manager ng punerarya, aabot sa 176 na katawan ng mga namatay na bilanggo ang nananatili roon. Sampung bangkay na ang kinuha ng BuCor at inilibing sa sementeryo sa loob ng Bilibid.

Kinuha ng DOJ ang serbisyo ng kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun upang inspeksyunin ang mga naiiwang labi sa Eastern Funeral Services. Sa kanyang pagsusuri sa mga bangkay, 50 na lamang ang maaari daw isailalim sa autopsy. Ang karamihan, “tuyot na”; duda siyang malalaman pa ang tunay na sanhi ng kanilang pagkamatay. Ayon sa BuCor, karamihan sa mga inmates ay namatay dahil sa atake sa puso at pneumonia. Isa naman ang sinasabing nagpatiwakal. Isasagawa ang autopsy sa Philippine General Hospital, at ayon kay Dr Fortun, hindi imposibleng walang foul play sa pagkamatay ng mga inmates.

Ipinakikita ng natuklasang ito sa Bilibid na hanggang sa kanilang kamatayan, pinagkakaitan ng dignidad ang mga kapatid nating bilanggo. Anuman ang kasalanang kanilang ginawa at pinagdurusahan sa loob ng kulungan, sila ay mga taong katulad natin—may dignidad na nagmumula sa ating pagiging nilikhang kawangis ng Diyos. Kaya naman, ang Kristiyanong pananaw sa katarungan ay hindi lamang nakatuon sa mga biktima ng mga lumalabag sa batas. Hindi natin dapat sukuan ang mga kapatid nating nakagawa ng mali sa kanilang kapwa. Ang tunay na katarungan ay hindi naghahangad ng paghihiganti sa maysala; ito ay naghahangad din ng pagbabago ng mga lumabag sa batas.

Naniniwala tayong dapat panagutan ng mga napatunayang nagkasala sa lipunan ang kanilang ginawa. Naniniwala tayong dapat silang patawan ng karampatang parusa upang malaman nila ang bigat ng pinsalang ginawa nila at ang sakit na iniwan nito sa kanilang mga biktima. Naniniwala tayong dapat magkaroon at magpatupad ng mga batas na mangangalaga sa taumbayan at magsusulong ng kabutihang panlahat. Ngunit hindi dahilan ang mga ito upang hindi na ituring ang mga bilanggo bilang mga taong may dignidad.

Ang mga nakalagak na bangkay ng bilanggong nabubulok sa punerarya ay maituturing na pinakamasahol na pagtrato sa mga kapatid nating pinagdurusahan ang kasalanang kanilang ginawa. Ngunit bago sila umabot sa kalagayang iyon, matinding paghihirap na ang kanilang pinagdurusahan sa loob ng bilangguan. Marami sa kanila ang nagtiis ng maraming taon sa loob ng siksikang mga kulungan—walang komportableng tulugan, walang maayos na pagkain at inuming tubig, walang malinis na palikuran, walang sapat na bentilasyon. Lantad sila sa maraming sakit at karahasan. Kahit makalaya sila, hindi madali sa kanilang makahanap ng trabaho dahil sa kanilang criminal record. Ang ilan, nagiging biktima ng mga patuloy na gumagawa ng krimen na nasa loob din ng bilangguan—katulad ng mga hitman na ginagamit upang pumatay o mga pushers ng iligal na droga.

Mga Kapanalig, sa pagtataguyod ng katarungan, mainam na paalala sa atin ang winika ni San Pablo sa 1 Tesalonica 5:21, “Suriin ninyong mabuti ang lahat ng bagay; panghawakan ninyo ang mabubuti.” Bilang mga Kristiyano, kaakibat ng ating pagsusulong ng katarungan para sa mga biktima ng krimen ang pagkakaroon din ng awa at habag sa mga nalilihis ng landas. Hindi natin kukunsintihin ang kanilang kamalian ngunit ituring pa rin natin silang mga taong may dignidad. Napakalayo pa natin sa bagay na ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 11,356 total views

 11,356 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 27,445 total views

 27,445 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 65,196 total views

 65,196 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 76,147 total views

 76,147 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,691 total views

 20,691 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 11,358 total views

 11,358 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 27,447 total views

 27,447 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 65,198 total views

 65,198 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 76,149 total views

 76,149 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,534 total views

 91,534 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,261 total views

 92,261 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,050 total views

 113,050 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,511 total views

 98,511 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,535 total views

 117,535 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top