Diocese of San Carlos, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,264 total views

Patuloy ang pagpapalikas sa mga residente sa loob ng four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa Mount Kanlaon bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan.

Ayon kay San Carlos Social Action Director, Fr. Ricky Bebosa, mula pa noong nakaraang linggo ay ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Kanlaon City, Negros Occidental ang sapilitang pagpapalikas sa mga pamayanang saklaw ng apat na kilometrong radius ng PDZ, at binabalak na itaas pa sa anim na kilometro.

Sa kasalukuyan, nasa higit 200-pamilya o higit-500 indibidwal ang nasa evacuation sites, at inaasahang matagal pang makakabalik sa mga tahanan habang hindi pa humuhupa ang kalagayan ng bulkan.

“More than a week na ngayon ang mga tao sa evacuation center. Sa ngayon, patuloy naming minamanmanan ang development ng bulkan. Sabi ng LGU, medyo matatagalan pa ang mga taong makabalik sa kanilang mga bahay,” ayon kay Fr. Beboso sa panayam ng Radio Veritas.

Nananawagan naman ng tulong si Fr. Beboso para sa pangangailangan ng mga pamilyang nasa evacuation centers, tulad ng pagkain, maiinom na tubig, face masks, at hygiene kits.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, makipag-ugnayan lamang kay Fr. Beboso sa numerong 0960-201-8169 o sa facebook page ng SAC Ubuntu-Diocese of San Carlos.

Batay sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nananatili sa Alert Level 2 status ang Bulkang Kanlaon, kung saan sa nakalipas na 24-oras ay naitala ang limang volcanic earthquakes, at pagbuga ng sulfur dioxide na umabot na sa 10,880 tonelada.

Mahigpit namang ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa four-kilometer radius PDZ at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 17,076 total views

 17,075 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 39,081 total views

 39,080 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 63,423 total views

 63,422 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 87,321 total views

 87,320 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 121,844 total views

 121,843 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top