Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Disaster Resilience Center, itatayo sa Arkidiyosesis ng Lipa

SHARE THE TRUTH

 1,872 total views

Inilunsad ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang Matthias 325 para sa itinatayong Disaster Resilience Center (DRC) ng Arkidiyosesis.

Ayon kay LASAC Director Fr. Jazz Siapco, ang gusali ang magiging sentro ng pagsasanay ng mga Batangueño sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad at sakuna.

“Ito’y isang mekanismo sa Arsidiyosesis para suportahan ang paghahanda hindi lamang sa Batangas, kun’di pati na rin sa buong rehiyon sa mga posibleng sakuna. Kaugnay ito sa sustainability efforts sa ating legacy project–ang Disaster Resilience Center,” pahayag ni Fr. Siapco.

Ginanap ang paglulunsad noong Mayo 14, kasabay ng kapistahan ni Apostol San Matias at paggunita sa araw ng mga Ina.

Paliwanag ni Fr. Siapco na balak ng proyektong Matthias 325 na makalikom ng tatlong milyong pisong pondo sa loob ng dalawang buwan.

Target ng proyekto na makahikayat ng limang donors na magkakaloob ng tig-P100,000, 20 donors na magbibigay ng tig-P50,000, 60 donors para sa tig-P10,000, 100 donors para sa tig-P5,000, at 140 donors naman na magbibigay ng tig-P3,000.

Binubuo nito ang 325 donors para maabot ang target na tatlong milyong piso.

“Gaya ng pagkalinga ng isang ina sa kanyang anak, ang Arsediyosesis ng Lipa ang kakalinga at lalapit sa atin sa mga panahon ng sakuna, gayundin sa ating posibleng maging pagtama ng ‘The Big One’ sa Kamaynilaan,” saad ni Fr. Siapco.

Paraan din ito ng Arkidiyosesis ng Lipa upang magpasalamat sa Poong Maykapal sa patuloy na paggabay sa lalawigan ng Batangas tulad noong nagligalig ang Bulkang Taal at lumaganap ang coronavirus pandemic.

Nagsimula ang pagtatayo sa LASAC-DRC noong Enero 2023 at inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,724 total views

 27,724 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,824 total views

 35,824 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,791 total views

 53,791 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,835 total views

 82,835 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,412 total views

 103,412 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,035 total views

 9,035 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,313 total views

 10,313 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,724 total views

 15,724 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top