Donation drive for Mt.Kanlaon evacuees, iinilunsad ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,578 total views

Umapela ng tulong ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mamamayang apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Carmelo “Tito” Caluag, patuloy na nangangailangan ng tulong ang mga nagsilikas na residente dahil apektado na ng ashfall at pagbuga ng sulfur dioxide mula sa bulkan ang iabuhayan at ang kapaligiran sa Negros Island.

Higit na kailangan sa mga evacuation center ang face masks, maiinom na tubig, pagkain, hygiene kits, at gamot.

“Alam naman natin na marami nang mga pamilyang nag-evacuate. Siyempre, kailangan ng mga facemask, pagkain, at lalong-lalo na po ang tubig. Sana ay patuloy ninyong suportahan ang pagtulong natin,” panawagan ni Fr. Caluag.

Apektado ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon, na kasalukuyang nakataas sa alert level 2, ang apat na diyosesis ng Negros Island: ang Diyosesis ng San Carlos, Bacolod, at Kabankalan sa Negros Occidental; at ang Diyosesis ng Dumaguete sa Negros Oriental.

Sinabi ni Fr. Caluag na anumang uri ng suporta at donasyon ay malaking tulong na para sa mga residenteng nasa evacuation centers na hindi tiyak kung kailan makakabalik sa kanilang mga tahanan, hangga’t patuloy na nagpapakita ng pagliligalig ang Bulkang Kanlaon.

“Kaya humihingi po kami ng tulong, either cash or in-kind donations para po mapadala natin sa mga pamilyang naapektuhan ng [Bulkang] Kanlaon. Mukhang ‘di pa matatapos ito kaya tayo po’y naghahanda ng provisions para matulungan natin ‘yung mga nasa evacuation centers,” ayon kay Fr. Caluag.

Sa mga nais magbahagi ng tulong at donasyon, maaari itong ipadala sa bank account name na CBCP Caritas Philippines Foundation, Inc. sa BPI account number 4951-0092-24, sa Metrobank account number 632-7-632-02847-0, o sa BDO account number 004508040478.

Para sa karagdang detalye, makipag-ugnayan lamang kay Caritas Philippines Resource Mobilization Office Head, Ms. Analyn Julian sa numerong 0916-694-5278.

Pinag-iingat naman ang publiko na huwag agad magtitiwala sa mga kahina-hinalang indibidwal na nais lamang manamantala at gamitin ang simbahan upang makapanlinlang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 38,217 total views

 38,217 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 66,222 total views

 66,222 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 84,022 total views

 84,022 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 82,341 total views

 82,341 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 191,924 total views

 191,924 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,704 total views

 11,704 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top