3,601 total views
Personal na makikibahagi sa pilot episode ng bagong programa ng Radyo Veritas na SABADIHA (Sama-samang Bayanihan para sa Demokrasya, Integridad, at Hustisyang Aksyon) si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.
Bukod sa kalihim, inaasahan rin ang pakikilahok sa bagong programa ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.
Layunin ng bagong programang ‘SABADIHA’ na magsisimula ngayong ika-21 ng Nobyembre, 2025 na tutukan at talakayin ang mga maiinit na isyu at usapin sa bansa tulad na sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, upang gisingin ang kalamayan ng publiko at himuking makilahok sa pagtataguyod ng kultura ng katapatan bilang pangunahing hakbang tungo sa mas malinis at makatarungang bayan.
Tututok ang talakayan ng unang yugto ng programa sa pag-unawa sa iba’t ibang anyo ng korapsyon o katiwalian sa lipunan.
Pangungunahan ang programa nina Mr. Max Ventura at Paeng David na maaring masubaybayan tuwing Biyernes simula ngayong Nobyembre 21, 2025 mula alas-singko ng hapon hanggang alas-sais ng gabi sa himpilan ng Radyo Veritas.
Mapapanood din ang programa sa Veritas TV sa Skycable 211, DZRV 846 Facebook page, at Veritas PH YouTube channel.




