Dulot ng karanasan sa Covid-19: Kalusugan, mga may karamdaman; mas binibigyang pagpapahalaga ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,389 total views

Nagagalak ang health ministry ng simbahan sa aktibong pakikibahagi ng mga diyosesis at parokya sa Pilipinas sa pagdiriwang ng World Day of the Sick nitong Pebrero.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary, Camillian Father Dan Cancino, patunay ito ng higit na pagpapahalaga at pangangalaga ng bawat isa sa mga may karamdaman, gayundin sa mga kumakalinga at tagapaghatid ng lunas sa mga may sakit.

Ipinagdiriwang ang pandaigdigang araw ng mga may sakit tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, upang alalahanin at ipanalangin ang mga may karamdaman, gayundin ang pagbibigay-halaga sa mga nangangalaga sa kanila.

Makikita mo na parang may ripple effect ‘yung world day of the sick kasi hanggang ngayon, may mga parokya na may celebration sila para sa mga may sakit. Kumbaga, tumataas ‘yung kamalayan natin na ilagay ang mga maysakit at ang mga nangangalaga sa mga may sakit sa sentro ng ating mga panalangin,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Cancino na higit na tumaas ang pagpapahalaga ng mga tao sa kalusugan dahil na rin sa pag-iral ng coronavirus pandemic sa bansa.

Ang iniwang pinsala ng COVID-19 sa buhay ang nagbunsod tungo sa higit na pagpapadama ng pagmamalasakit at pagkalinga sa mga may karamdaman, gayundin sa medical frontliners na nag-alay ng buhay upang malunasan ang nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Nakita natin ang kahalagahan ng kalusugan, kahalagahan ng frontliners, kahalagahan ng bawat tao, nagkaroon tayo ng kamalayan na sana ay magpatuloy ito. Ang komisyon ng healthcare ng cbcp ay pinaiigting ang selebrasyon na ito, araw ng mga may karamdaman, at pinag-iigting din ang kahalagahan ng ating mga healthcare frontliners,” saad ni Fr. Cancino.

Tema ng World Day of the Sick ngayong taon ang “Healing the Sick by Healing Relationships,” na panawagan ng Santo Papa Francisco sa bawat mananampalataya na sa kabila ng pinagdaraanang karamdaman ay patuloy nawang paigtingin ang ugnayan sa Panginoon upang ganap na makamtan ang tunay na kagalingan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 8,234 total views

 8,234 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 36,239 total views

 36,239 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,039 total views

 54,039 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,687 total views

 53,687 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 165,731 total views

 165,731 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,517 total views

 9,517 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top