1,683 total views
Alalahanin ang mga pinakamahirap na sektor ng lipunan tuwing gagawa ng mga bagong polisiya ang pamahalaan.
Ito ang binigyan ni Atty.Ariel Inton – Founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa programang Veritas kasama si Father Jerome Secillano – Parish ng EDSA Shrine at Executive Secretary ngd Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Public Affairs sa usapin ng pagpapahintulot ng Land Tranportation Office sa printed driver’s license dahil sa kakulangan ng suplay ng plastic.
Ayon kay Inton, isinusulong ang pagkakaroon ng ‘E-license’ kung saan sa pamamagitan ng mga QR o scan codes ay maaring magkaroon ng access at makumpirma ng mga law enforcer kung mayroon lisenya ang mga driver gamit lamang ang mga smartphones.
“Talagang ang preferred is plastic, so we go sa alternative, kung plastic o hindi, kung anong way makapag procure ng plastic, dun tayo humanap ng alternatibo, kung ngayon ay ubos o paubos na, bakit? Saan nagkaron ng problema? Sa procurement ba? Sa supply? Etc, let’s find out at dun natin tingnan yung alternative natin,” bahagi ng panayam ni Atty sa Programa.
Nilinaw ni Inton na hindi lahat ng Pilipino ay may kakakayahang bumili ng mga smartphones na kakailanganin kung isasagawa sa buong Pilipinas ang E-license.
Sa halip, dapat magkaroon muna ng masusing pag-aaral ang pamahalaan upang matugunan ang suliranin ng kakulangan sa plastic na pangunahing sangkap sa paggagawa ng mga driver’s license.
“Puede yan na alternative, now, why are we against dun sa dalawang options? Kasi ang tingin namin, it’s not the plastic which is the problem, in shortage, it’s the supplier. The source, baka sila lang yung may shortage, baka di nila kaya i-produce, kasi kung plastic ang problema, tingnan nila kasi baka meron namang supplier na iba na makakapag produce ng plastic na yan. So why are we going to an alternative outside of this if we haven’t tried to look into deeper… why there was no production in the first place,” bahagi pa ng panayam ni Inton sa Radio Veritas.
Nakatakda namang idanaos ng Senado ang imbestigasyon sa hakbang ng LTO sa pangunguna ni Senator Raffy Tulfo matapos ang mga paratang na ‘Anti-poor’ ang pagsasalik sa printed driver’s license matapos ang kakulangan ng suplay sa plastic.