EDSA bloodless revolution, tagumpay ng malayang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,803 total reads

Inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isang tagumpay ng pananampalatayang Filipino ang karanasan ng EDSA People Power Revolution.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine sa paggunita ng ika – 36 na anibersaryo ng mapayapang rebolusyon.

Sinabi ng Arsobispo na hindi lamang ito gawaing pampulitika kundi pagpapamalas ng kabutihan ng Diyos sa tulong at gabay ng Mahal na Ina na lumingap sa kanyang mga anak sa bingit ng banta ng karahasan.

“EDSA is not just a political event about the reconfiguration of power, EDSA is a religious and spiritual experience that cuts through time and inspires our life as a nation; EDSA is not so much about the triumph of one party or dynasty over another it is about the victory of the faith and heroism of the Filipino people ‘maka-Diyos kaya makabayan’,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Kasabay ng paggunita sa makasaysayang pagtitipon ng mga Filipino mula sa iba’t ibang antas ng lipunan ay kinilala ni Cardinal Advincula ang malaking papel na ginampanan ng Mahal na Birhen upang mapigilan ang karahasan at pagdanak ng dugo ng mga tumiwalag sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Giit ng Cardinal na ito ay isang patunay na ang Pilipinas ay Pueblo Amante De Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Ina.

Inilarawan ni Cardinal Advincula ang EDSA bilang lugar kung saan ipinamalas ng mga Filipino ang kabanalan sa pamamagitan ng pagdarasal ng rosaryo sa kabila ng matinding banta ng karahasan.

“At EDSA we chose prayer over power, devotions instead of weapons, love instead of violence and faith instead of firearms,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA People Power Revolution kung saan mas higit namayani ang kabutihan laban sa kasamaan sa pamamagitan ng pagbubuklod ng mga Filipino sa pananalangin.

Batay sa kasaysayan ang EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986 ay tinaguriang bloodless revolution sa buong daigdig na naging susi ng pagwakas sa mapait na karanasan ng Martial Law na umiral ng 14 na taon sa dalawang dekadang pamumuno ng diktadurang Marcos.

Bukod kay Cardinal Advincula dumalo rin sa pagtitipon si 1987 Constitutional Framer, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, ang mga pari mula sa Archdiocese of Manila at iba’t ibang grupo ng mga layko.

Bago ang Banal na Misa nagsagawa ng paraliturgy ang EDSA Shrine sa pangunguna ni Fr. Lazaro Abaco kung saan ipinapakita ang pangyayari sa matagumpay na pagtitipon mahigit tatlong dekada ang nakalipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 76,528 total reads

 76,528 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,230 total reads

 124,230 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,101 total reads

 172,101 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,048 total reads

 276,048 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 358,574 total reads

 358,574 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top