Sambayanang Filipino, hinimok ng mga opisyal ng Simbahan na maging pro-active sa May 9, 2022 election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,219 total reads

Ikinalugod ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa hangaring isulong ang kabutihan ng nakararami.

Ito ang mensahe ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa ginanap na Ecumenical Prayer Service for Truth and Freedom nitong February 25 kasabay ng paggunita sa ika – 36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“All of them [Christians, evangelicals] positively responded to the invitation at ito yung kanilang expression of support para sa paninindigan ng CBCP tungkol sa historical significance ng EDSA People Power at sa ating paghahanda sa darating na halalan sa Mayo,” pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng pangulo ng CBCP na nagkaisa ang mga lider ng Kristiyanong komunidad sa kahalagahan ng pagbibigay ng moral at spiritual guidance sa kawang nasasakupan lalo na sa paghalal ng mga pinuno ng bayan.

Binigyang-diin ni Bishop David ang kahalagahan ng pagninilay sa wastong pagpili ng mga ibobotong kandidato batay sa katangiang taglay na naaayon sa katuruan ng Simbahan.

“Encourage intelligent conversations at ito yung tinatawag naming discernment na hopefully will lead to a consensus building for a more pro-active participation in the political life of society,” ani Bishop David.

Sa ginanap na pagtitipon muling ibinahagi ng obispo ang pastoral statement ng CBCP na ‘Ang Katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo (Juan 8:32)’ kung saan hinimok ang bawat mamamayan na manindigan at hanapin ang katotohanan sa gitna ng lumagap na kasinungalingan sa lipunan.

Panawagan pa ni Bishop David sa mamamayan lalo na sa mahigit 60-milyong botante ang matalinong pagpili para sa kabutihan ng bansa.

“Huwag na nating i-ugnay ang politics sa bad politics we have to be more involve in a positive kind of politics for the common good,” giit ni Bishop David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,782 total reads

 59,782 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,819 total reads

 163,819 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,607 total reads

 200,607 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 231,182 total reads

 231,182 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 277,127 total reads

 277,127 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top