Election areas of concern at potential armed groups, tinututukan ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,886 total reads

Inihayag ng Philippine National Police ang patuloy na paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections na itinakda sa Oktubre 2023.

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, nakikipagtulungan din ang pambansang pulisya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtukoy ng mga barangay na election areas of concern.

Una na ring inihayag ng PNP ang pagbabantay sa mga natukoy na 45-potential armed groups na maaring magamit sa nalalapit na eleksyong pambarangay.

Ibinahagi ni Fajardo na karamihan sa mga grupong ito ay matatagpuan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim and Mindanao.

“Alam po natin yung gun-culture, rido o clan war, nandyan din ang mga political dynasty. Kadalasan ay nagagamit nga po itong mga private armed groups, yun ang iniiwasan kaya ngayon as early first semester of the year ini-identify natin ano-ano ang mga barangay na ‘yan na pupuwedeng maisama sa mga tinatawag na election areas of concern.” ayon kay Fajardo sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga barangay bilang areas of concern ay pagbabatayan ng PNP ang paglalagay ng karagdagang pulis sa mga lugar upang maiwasan ang karahasan.

Iginiit pa ng PNP na hindi dapat balewalain ang paghahanda sa lokal na halalan lalo’t mainit ang labanan ng mga kandidato.

“Ang mga ganitong eleksyon ay mas mainit nga po ang labanan kapag dating sa local election dahil magkakakilala sila, magkakamag-anak pa po ang iba kaya naman ang mga emosyon ay matataas.” dagdag pa ni Fajardo.

Sa nakalipas na 2022 National Elections, may 488 bayan at 58 lungsod ang nasa talaan bilang election hotspots o kabuuang 546 na mas mababa kumpara sa 2019 elections na umabot sa 946 lugar.

Ayon pa sa PNP karamihan sa mga election hotspot ay matatagpuan sa BARMM, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol at Western Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 192,772 total reads

 192,772 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 221,004 total reads

 221,004 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 255,126 total reads

 255,126 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 311,530 total reads

 311,530 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top