Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Environmental group, sang-ayon na imbestigahan ng Senado ang pagmimina at quarrying sa bansa

SHARE THE TRUTH

 10,857 total views

Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa.

Layunin ng Senate Resolution No. 989, ang paghihikayat sa mga mambabatas sa senado na imbestigahan ang malawakang pinsalang dulot ng pagmimina at quarrying sa kalikasan, maging sa buhay ng mga apektadong pamayanan.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ang panukala ni Hontiveros ay maituturing na hakbang upang maisaayos ang mga batas kaugnay sa pagmimina at quarrying.

We welcome the proposed Senate Resolution as there are numerous reports involving human rights violations, legal violations and environmental damages brought about by mining and quarrying activities,” pahayag ni Garganera.

Imininungkahi naman ni Garganera ang pagkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng mga apektadong pamayanan, Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, at iba pang ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang mga alalahanin at matukoy ang saklaw ng mga negatibong epekto ng mga mapaminsalang operasyon sa kalikasan at lipunan.

Umaasa rin ang ATM na maisabatas ang alternative minerals management bill upang maisaayos ang pagmimina at paggamit ng mineral sa bansa.

We hope that an investigation into the effects of these operations would eventually dissuade the national government from aggressively pursuing mining… There is an urgent need to repeal Republic Act No. 7942 or the Mining Act of the Philippines and replace it with a law that is responsive to the needs and concerns of the affected communities,” ayon kay Garganera.

Batay sa huling tala ng DENR-Mines and Geosciences Bureau, nasa 50 minahan ang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon, at nakakalikha ng higit 102 bilyong pisong ambag sa gross domestic product ng bansa.

Gayunman, una nang sinabi ng ATM na ito’y isang porsyento lamang ang ambag sa ekonomiya ng bansa at labis ang pinsala sa kalikasan at buhay ng mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 8,871 total views

 8,871 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 20,131 total views

 20,131 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Pandaraya sa mga magsasaka

 30,676 total views

 30,676 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Pera ng taumbayan para sa taumbayan

 41,183 total views

 41,183 total views Mga Kapanalig, pumasá na sa third and final reading ang House Bill No. 4058 o ang bersyon ng House of Representatives ng 2026

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 13,272 total views

 13,272 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top