Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Faith tourism, isinusulong ng Cebu Quincentennial hotel

SHARE THE TRUTH

 3,195 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Cebu Quincentennial Hotel ang patuloy na pagiging katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng kristiyanismo.

Ito ang mensahe ni DUROS Group at Layko Cebu President Fe Barino sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng hotel nitong June 20 kung saan tampok sa pagdiriwang ang charity dinner para sa Pope John XIII Seminary na pangunahing naghuhubog sa mga kabataang nais maging pari.

Aniya bagamat nasa hotel industry adhikain pa rin ng institusyon na ipakita ang mayabong na pananampalataya lalo’ at ang Cebu ang tinaguriang sentro ng kristiyanismo sa bansa.

“Even if we are in hotel industry, we continue to promote Christianity, to promote the Catholic faith, all our activities are always course towards promoting the faith.” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Itinatag ang first-ever faith-themed hotel bilang alay at bunga ng 500 YOC kung saan si Msgr. Agustin Ancajas ang pangunahing nagdisenyo hango sa mga pangyayari mula nang ihasik ng mga misyonerong Espanyol ang kristiyanismo noong 1521 hanggang sa kasalukuyan.

Kabilang sa matatagpuan sa gusali ang iba’t ibang memorabilia ng pagdiriwang ng 500YOC tulad ng Jubilee Cross, bibliyang direktang isinalin sa Cebuano mula Aramaic, gayundin ang imahe ng Sto. Nino.

Ilang silid din ang nakadisenyo sa tema ng El Baptisterio, Ecce Homo, Eukaristiya at Mahal Birhen Dela Cotta.

Sinabi ni Barino na ito rin ay pakikiisa sa adhikain ng arkidiyosesis na isulong ang faith tourism sa lalawigan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang pilgrim sites tulad ng Basilica Minore del Santo Nino, Magellan’s Cross, Simala Shrine, Venerable Teofilo Camomot Shrine, Capelinha de Fatima Replica Chapel at iba pa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 11,165 total views

 11,165 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 25,876 total views

 25,876 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 38,734 total views

 38,734 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 112,980 total views

 112,980 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 168,634 total views

 168,634 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567