Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Food sovereignty, tiniyak ng Caritas PH

SHARE THE TRUTH

 3,334 total views

Tiniyak ng Caritas Philippines ang patuloy na pagkakaloob ng sapat at masustansyang suplay ng pagkain sa bawat pamilyang Pilipino.

Ito ang binigyan diin ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggunita ng World Food Day.

Nanindigan din ang Caritas Philippines na bukod sa sapat na suplay ay napakahalaga ang pagkakaroon ng nutrisyon at malinis na pagkain ng mga Pilipino lalu na ang mga batang edad limang taong gulang pababa.

Inihayag ni Jing Rey Henderson, Communication and Partnership Development coordinator ng Caritas Philippines na binibigyan halaga ng 7-alay kapwa legacy program ng Caritas PH ang livelihood at food security ng mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni Henderson na hindi sang-ayon ang Caritas PH sa laganap na industrialization sa bansa.

“For the World Food Day, Caritas Philippines is really striving to be able to contribute para sa, not only sa food security ng ating bansa, lalong-lalong na ng mga Pilipino na nasa laylayan ng lipunan kungdi for food sovereignty Kaya part ng ating seven alay kapwa legacy program is on livelihood and food security, this is giving premium really to our farmers, to our fisherfolks to everyone who produces our food dahil alam natin na sila parin ang magdadala ng development sa Pilipinas and not industrialization not any other sector or work kungdi ang agrikultura because primarily Philippines is still and will always be an agriculture country.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Henderson.

Ibinahagi naman ni Jing Rey Henderson na katuwang ng Caritas PH sa pagsusulong ng organic farming ay diocese of Dipolog, Iba, Ilagan , San Jose at ilang mga diyosesis na nasa Mindanao.
Patuloy din ang pakiki-pagtulungan ang Caritas Philippines sa mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng 7-alay kapwa legacy program kasama na ang pagkakaroon ng mga food bank para sa mahihirap na mamamayan.

Ngayong taong 2023, itinalaga ng Geneva Foundation ang paggunita ng World Food day sa temang: Water is life, water is food. Leave no one behind”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 59,529 total views

 59,529 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 77,863 total views

 77,863 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 95,638 total views

 95,638 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 171,215 total views

 171,215 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 194,964 total views

 194,964 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top