Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Fossil fuels mula sa coal-fired power plants, dahilan ng climate change

SHARE THE TRUTH

 3,068 total views

Binigyang diin ni Greenpeace Southeast Asia Executive Director Naderev Saño na ang pagsusunog ng fossil fuels mula sa mga coal-fired power plants ang pangunahing dahilan ng pagtindi ng climate change.

Iginiit ni Saño na lubhang mapaminsala ang ganitong uri ng pinagmumulan ng enerhiya at ang pangunahing napipinsala ng masamang epekto nito ay ang mga mahihirap sa mga lokal na komunidad na kinatatayuan ng mga planta.

“Ang pangunahing sanhi ng climate change ay yung pagsusunog natin ng fossil fuels, at lalo na yung pagtatayo ng mga coal-fired power plants at nakakalungkot na yung ating sariling bansa na tinatamaan ng napaka tindi ng mga epekto ng climate change ay tayo pa ang nagtatayo ng maraming coal plants at hindi natin tingnan yung mga mas malinis na mas likas na kayang pamamaraan upang umunlad,” pahayag ni Saño sa Radyo Veritas.

Natukoy ng United States Environmental Protection Agency, na ang mga coal power plants ang pangunahing dahilan ng pagdami ng carbon emissions na naiipon sa kalawakan na siya namang dahilan ng pag-init ng mundo.

Sa ulat ng Center for Global Development, ang Pilipinas ay pang 32 sa limampung mga bansang may pinaka mataas na carbon emission kung saan umabot sa 35,900,000 tons of CO2 emissions ang ibinubuga ng mga planta sa Pilipinas kada taon.

Sa kasalukuyan ay mayroong 19 na coal-fired power plants sa ating bansa.

Samantala, lubos na inaabangan ng mga makakalikasang grupo ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pronouncements na unti-unting paglipat mula sa maruming pinagkukunan ng enerhiya patungo sa renewable energy.

Magugunitang iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong laudato si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 57,577 total views

 57,577 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 81,362 total views

 81,362 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 93,597 total views

 93,597 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 279,055 total views

 279,055 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 308,924 total views

 308,924 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 44,742 total views

 44,742 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 254,910 total views

 254,910 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 198,756 total views

 198,756 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top