Resulta ng net trust rating ni Duterte, positibong hamon

SHARE THE TRUTH

 472 total views

Itinuturing na positibong hamon ng Malacanang ang resulta ng isinagawang Pulse Asia survey kung saan nakakuha ng positive 91 percent net trust rating si President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar magandang panimula ang mga resulta ng isinagawang Social Weather Station at Pulse Asia Survey para sa unang tatlong linggo sa katungkulan ng Pangulo.

“We thank the Filipino people for their overwhelming support to the governance of President Rodrigo Duterte. This record-high trust rating of 91%, as reflected in the July 2-8 Pulse Asia survey, is a humbling reminder that the genuine and meaningful change that our people aspire for is now being felt…” pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar.

Dahil dito, tiniyak ni Andanar na mas lalo pang pagsisikapan ng bagong administrasyon na mapabuti ang pamamalakad sa bansa, alinsunod na rin sa mga ipinangako nitong pagbabago sa mga Filipino noong panahon ng halalan.

“This expression of confidence, therefore, shall serve as an inspiration to the Duterte administration to continuously make a real difference and make our people’s lives better, safer, and healthier…” ayon kay Andanar.

Batay sa resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong July 2-8, mula sa 1,200 respondence – 9 sa 10 Filipino ang nagsabi sila ay may malaking tiwala kay President Duterte kung saan una nang lumabas sa SWS ang positive 79 percent net trust rating ang Pangulo.

Kaugnay nito, una nang nag-alay ng Oratio Imperata ang Simbahang Katolika na panalangin para sa mga bagong lingkod bayan upang mamuhay ng marangal at tuwirang itaguyod ang katotohanan at pagbabago na matagal nang hangad ng mga mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 19,409 total views

 19,409 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 61,623 total views

 61,623 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 77,174 total views

 77,174 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 90,415 total views

 90,415 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 104,827 total views

 104,827 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top