Franciscan Priest, tiwalang matutugunan ng COP27 summit ang climate crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,262 total reads

Ibinahagi ng kinatawan ng mga Franciscano sa Pilipinas ang mahahalagang paksang tinalakay sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 summit sa Sharm El Sheikh, Egypt.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, OFM, Provincial Animator ng Justice, Peace and Integrity of Creation ng Province of San Pedro Bautista-Philippines, tinalakay sa COP27 summit ang adaptation o pakikiangkop sa kalagayan ng mga bansang apektado ng climate change.

Ipinaliwanag ng pari na mahalagang maunawaan ng pamahalaan ng iba’t-ibang bansa kabilang na ang Pilipinas sa kalagayan ng mga pamayanan na direktang apektado ng nagaganap na pagbabago sa kapaligiran.

“Kung gaano ka-grabe ‘yung sitwasyon, ano ‘yung epekto, ano ‘yung nasira, gaano kalaki ‘yung pinsala, at nandun din ‘yung pakikiangkop kung paano sila tutugon dahil nakita nila ‘yung kalagayan at sitwasyon ng mga apektadong pamayanan.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Pinagtuunan din sa pagtitipon ang mitigation o pagbabawas na layunin ng Paris Agreement na nagtatakda sa temperatura ng mundo sa 1.5 degrees-Celsius.

Sinabi ni Fr. Cortez na patuloy na isinusulong ng mga mahihina o bulnerableng bansa ang kasunduan dahil sa labis na epekto ng pag-init ng kapaligiran na nagdudulot ng malalakas na sakuna.

Tinalakay din sa COP27 summit ang climate action o pagkilos ng mga bansa upang maisakatuparan ang mga layunin para sa loss and damage mechanism na kailangan ng mga bansang madalas na biktima ng malalakas na kalamidad tulad ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Fr. Cortez ang patuloy na pagkilos at pakikibahagi ng simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan sa inspirasyon ng liham-ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalang Francisco.

Kabilang dito ang panawagan sa pamahalaan at financial institutions na ihinto na ang pamumuhunan sa mga malalaking korporasyong lumilikha ng pinsala sa inang kalikasan.

Ang COP27 Summit ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang grupo, organisasyon at bansa upang sagipin ang daigdig sa lumalalang climate crisis.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 9,366 total reads

 9,366 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 22,578 total reads

 22,578 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 63,254 total reads

 63,254 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 97,381 total reads

 97,381 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 153,787 total reads

 153,787 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,280 total reads

 178,280 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top