Gunless society, nanawagan ng mahigpit na gun control

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Hindi lang sa illegal na droga dapat maghigpit ang pamahalaan kundi maging sa regulasyon ng paggamit ng baril.

Hinamon ni Nandy Pacheco, founder ng Gunless Society of the Philippines ang pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang regulasyon sa paggamit ng baril o gun control upang maiwasan ang paglaki ng bilang ng Extra-Judicial Killings sa bansa.

Iginiit ni Pacheco na dapat mas higpitan ang regulasyon sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril lalo sa mga sibilyan at mga hindi nakaduty na miyembro ng law enforcement para maiwasan hindi lamang ang krimen kundi maging ang sinasabing vigilante killings sa mga drug pushers at users.

“Para maiwasan yung sa Extra Judicial Killings, kinakailangan talaga unang-una bawal yung mga sibilyan na magdala ng mga baril, yung gun control. Dapat ang huhuli lamang ay yung alagad ng batas at yung mga pulis na mga naka-uniporme saka on-duty. It’s not enough to be hard on drug but should also be hard on guns kasi they feed on each other,” pahayag ni Pacheco sa Radio Veritas.

Hinimok rin ni Pacheco ang pamahalaan na patawan ng criminal offense ang mga mahuhulihan ng baril sa lansangan maliban lamang sa mga sundalo at pulis na naka-uniporme at on-duty para mabawasan ang banta sa seguridad ng mga mamamayan.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 3,500 katao ang napatay sa war on drugs ng gobyerno kung saan 1,490 ng kabuuang bilang ay itinuturing na “death under investigation”.

Samantala, batay sa tala ng Philippine National Police, nasa 1.6-milyon ang licensed firearms sa bansa habang tinatayang nasa higit 600-libo naman ang kabilang sa loose at unregistered firearms.

Una nang kinundina ng Santo Papa ang maluwag na mga polisiya ng iba’t ibang bansa kaugnay sa pagmamay-ari at paggamit ng baril at binigyang diin na nararapat na suriin ang mga batas at regulasyon kaugnay nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,217 total reads

 54,217 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,713 total reads

 140,713 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,750 total reads

 183,750 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,509 total reads

 233,509 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,163 total reads

 392,163 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top