Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Health ministry ng simbahan, tiniyak ang pakikipagtulungan sa bagong kalihim ng DoH

SHARE THE TRUTH

 2,250 total views

Tiniyak ng komisyong pangkalusugan ng simbahan ang patuloy na pagsuporta sa mga adhikain ng bagong talagang kalihim ng Department of Health.

 

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ang pagtanggap ni Dr. Ted Herbosa sa tungkulin bilang pinuno ng DoH ay patunay lamang ng kanyang dedikasyong mapaglingkuran ang mamamayan.

 

The CBCP-ECHC shares a commitment with you to improving the health and well-being of the most vulnerable and marginalized. We will journey beside you and all those working in the attempt to bring health to all, especially the many people, including children, who live on the periphery of society, and who suffer ill health and hunger,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

 

Iginiit ni Fr. Cancino na ang pagkakaroon nang maayos na kalusugan ay karapatan ng bawat mamamayan, at hindi para sa kapakanan lamang ng iilan.

 

Umaasa ang opisyal ng CBCP na sa pamumuno ni Herbosa sa DOH ay higit nitong maipadama ang pagmamalasakit sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagsusulong at pagpapaigting ng mga programang pangkalusugan sa mga pamayanan.

 

Sinabi ng pari na mahalaga ito sapagkat karamihan sa mga pamayanan ang hindi ganap na naaabot o nakakatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan.

 

Let the health system focus on care for people, rather than simply treatment for specific diseases or conditions—factoring in all aspects of people’s individual lives and situations. As we are improving our health systems, never forget that we need to strengthen community systems (for health) as well,” saad ni Fr. Cancino.

 

Una nang nagpaabot ng pagbati si CBCP-ECHC vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagkakahirang kay Herbosa bilang bagong kalihim ng DOH at umaasang matutugunan at mabibigyang-pansin ang mga usaping pangkalusugan na mahalaga para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,665 total views

 8,665 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,765 total views

 16,765 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,732 total views

 34,732 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,062 total views

 64,062 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,639 total views

 84,639 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,861 total views

 7,861 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,152 total views

 9,152 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,551 total views

 14,551 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,535 total views

 16,535 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top