Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,318 total views

18th Sunday of Ordinary Time Cycle A
St John Mary Vianney Sunday
Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21

Ngayong Linggo ay St. John Vianney Sunday. Ito ang Linggo na pinakamalapit sa kapistahan ni San Juan Maria Vianney. Siya ay ang patron ng mga kura paroko. Kaya ngayong araw ipinagdarasal natin ang ating mga kura paroko – ang mga pari na nangangalaga ng ating mga parokya. Sila sana ay maging banal tulad ni San Juan Maria Vianney. Huwag lang nating pangarapin na magkaroon tayo ng magagaling na pari. Pangarapin natin na sila ay maging mga banal na pari. Magkakaroon tayo ng second collection sa mga misa natin ngayong Linggo para sa patuloy na paghuhubog ng ating mga kaparian.

Ang mabuting balita sa atin ngayong Linggo ay ang alok ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Ang mga walang salapi ay kumuha rito at bumili ng pagkain… bumili kayo, ngunit walang bayad.” Ang alok na ito ay tinupad ni Jesus sa ating ebanghelyo. Ibig nang pauwiin ng mga kasama ni Jesus ang mga tao, kasi mag-gagabi na. Buong araw silang nakikinig kay Jesus. Ubos na ang baon nila. Marahil marami ay gutom na. Marami sila, higit na limang libong tao. Sana maghanap na sila ng kanilang pagkain. Ang utos ni Jesus ay maliwanag: “Kayo ang magbigay sa kanila ng pagkain. Madalas mangyari sa atin – sa harap ng malalaking problema, ang solusyon natin ay magkanya-kanya na lang ang mga tao upang mag-survive.

Marami tayo ngayong hinaharap na problema – tumataas na ang bilihin, marami ang walang trabaho, kulang ang pagkain, magulo ang politika, at marami pang iba. The big temptation is: kanya-kanya na lang tayo. Bahala na ang bawat isa maghanap ng pagkain o mag-survive sa ganitong situasyon. Pero hindi! Narinig natin ang salita ni Jesus: Pakainin ninyo sila!

Ano ang maibibigay natin? Tayo nga ay hirap na. Wala naman tayong kakayahan o anumang resources. Kaya madaling sabihin, wala naman kami, tulad ng sinabi ng mga alagad ni Jesus: Wala naman kami kundi limang tinapay at dalawang isda lamang! Pero para sa Diyos, walang maliit, walang kakaunti. Ilagay natin ang kakaunti na mayroon tayo sa kamay ng Diyos at mararanasan natin ang milagro. Talagang nangyayari ang milagro kapag may tiwala tayo sa Diyos at hindi sa ating sariling kakayahan. Walang imposible sa Diyos. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi man natin ma-imagine kung generous lang tayo. Hindi man na-imagine ng mga alagad paano mapapakain ang higit na limang libong tao ng limang tinapay at dalawang isda. Pero napakain ang lahat at may sobra pang labingdalawang bakol!

Sa totoo lang, hindi naman talagang wala na tayo. Hindi lang natin nailalagay sa wastong gamit ang mayroon tayo. Kaya nga ang tanong ni propeta Isaias ay: “Bakit ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga bagay na walang halaga?” Ngayong panahon ng kahirapan, inaanyayahan tayo na huwag ng gumastos na hindi nag-iisip. Gamitin nang maayos ang mayroon tayo. Ang paggamit nang maayos ay hindi iyong para lang sa atin. Kapag tumutulong tayo, ginagamit natin nang maayos ang mayroon tayo. In the kingdom of God, what is given multiplies; ang ating ibinabahagi ay bumabalik din sa atin.

Yes, marami ngayon ay nagugutom. Sa ating bansa mga 5.2 million na mga pamilya ay kulang sa pagkain. Pero higit sa marami pa dito ang gutom sa ibang aspeto ng buhay. Gutom sila sa kahulugan sa buhay. Marami ay walang direksyon sa buhay at hindi nakakakita ng saysay sa mga nangyayari. Naguguluhan sila. Magtatapos ba kaya ang mga digmaan sa mundo? Bababa pa ba ang presyo ng gasolina? Titino pa ba ang ating pamahalaan? Kailan ba matututo ang mga Pilipino na pumili ng maayos na mamumuno sa kanila na hindi lang nagpapayaman sa sarili? Marami ang naguguluhan. Kaya si Jesus, bago nagbigay ng tinapay at isda ay nangaral muna sa mga tao. Jesus is known more as a teacher than as a provider for bread. Ilang beses lang siya nagbigay ng pagkain ngunit palagi siyang nangangaral. Kaya narinig natin sa unang pagbasa: “Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain. Pumarito kayo, kayo ay lumapit at ako’y pakinggan, makinig sa akin nang kayo’y mabuhay.”

Hindi ba sinabi din ni Jesus: Ang tao ay hindi lang nabubuhay sa tinapay ngunit sa bawat Salita na nanggagaling sa bibig ng Diyos? Kaya patuloy na nangangaral ang simbahan, maging katanggap-tanggap man ito sa mga tao, o hindi. Kailangang ipahayag ang Salita ng Diyos. Ito ang magbibigay ng tunay na buhay sa bawat isa sa atin at sa bayan. Ang Salita ng Diyos ang nagbibigay ng direksyon sa atin. Ito ay nagbibigay ng sigla sa ating buhay.

Sa ating ikalawang pagbasa narinig natin ang sinabi ni San Pablo: Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos – kahit na paghihirap, kahit na espada, kahit na nga kasalanan pa natin – hindi tayo nito mahihiwalay sa Diyos na nagmamahal sa atin. Kahit na anumang kasalanan natin – hindi natin masasabi na hindi na tayo mahal ng Diyos. Mas malaki ang kasalanan, mas mahal nga tayo ng Diyos kasi sinabi ni Jesus na naparito siya hindi para sa mga matuwid kundi para sa mga makasalanan. He came not to judge and to punish, but to save. Ang katotohanang ito ay nagbibigay saysay at sigla sa ating buhay. Hindi tayo pababayaan ng Diyos na nagtaya ng kanyang sarili para sa atin. Binibigay ng Diyos ang kanyang Salita at ang kanyang Katawan mismo para sa atin. At ang mga ito ay natatanggap natin sa Banal na Misa. Kaya may obligasyon tayong magsimba kada Linggo kasi mahalaga ang misa para sa atin. Pinapalakas tayo ng Diyos sa Banal ng Misa. Pinapakain niya tayo!

Gusto ba natin ng buhay? Sundin natin ang mga utos ng Diyos! Tanggapin natin ang kanyang Salita. Tanggapin natin ang kanyang katawan sa Banal na Misa. Ito ay ang pagkaing libre na nagpapalakas sa ating paglalakbay sa buhay na ito. Sa Banal na Misa pinapakain tayo sa dalawang lamesa – ang lamesa ng Salita ng Diyos at ang lamesa ng katawan ni Kristo. Libre ang mga ito na inaalok sa atin. Linggo-linggo tayong magsimba upang upang makinabang sa pagkaing ito.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,000 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 19,300 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 41,524 total views

 41,524 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 114,346 total views

 114,346 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 145,628 total views

 145,628 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 177,644 total views

 177,644 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 327,839 total views

 327,839 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 26, 2026

 15,029 total views

 15,029 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 20,374 total views

 20,374 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 27,947 total views

 27,947 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 34,439 total views

 34,439 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »
Scroll to Top