505 total views

5th Sunday of Ordinary Time Cycle

Is 58:7-10 1 Cor 2:1-5 Mt 5:13-16

Kayo ang asin ng daigdig. Kayo ang ilaw ng mundo. Bakit pinagsama ni Jesus ang asin at ilaw? Ano ba ang magkapareho sa dalawa? Ang asin at ang ilaw ay malalaman mo kung nandiyan. May effect sila. Ang asin ay nagbibigay ng lasa at ang ilaw ng liwanag. Dahil sa may lasa, ginaganahan tayong kumain. Ang hirap yata kumain na matabang ang pagkain. Dahil sa may liwanag nakakatrabaho tayo at alam natin kung saan tayo pupunta. Hindi tayo nangangapa at nadadapa. Hindi naman marami ang kailangan na asin para magkaroon ng lasa. Kaunting patak lang. Hindi naman malaking apoy ang kailangan para magkaroon ng liwanag, lalo na noong panahon na maliliit na ilawan lang ang ginagamit ng mga tao. Ang asin at ang ilaw ay nauubos para magkaroon ng effect. Ang asin ay natutunaw at ang ilaw ay nauupos o nauubos ang langis.

Ngayon, ano ang ibig sabihin na tayo ay asin at ilaw? Kailangan tayo magkaroon ng effect sa mga tao sa paligid natin. Kung talagang isinasabuhay natin ang ating pananampalataya, mapapansin ito ng iba. At mabuti ang effect natin, nagbibigay ng lasa sa buhay ng iba at nagbibigay ng direksyon at sigla sa mga tao. Ganoon ba ang pagkakristiyano natin? Hindi lang natin ito sinasarili o tinatago. Sabi ni Jesus na walang kwenta ang asin na nawala na ang alat. Tinatapon na lang ito. Ganoon din, hindi naman nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito.

Hindi kailangang gumawa ng extraordinariong mga bagay o maging marami tayo upang magkaroon ng effect. Minsan naiisip natin: ano naman ang magagawa ko, iisa lang ako o kakaunti lang tayo. Tulad ng asin at ilaw kahit kakaunti lang tayo o maliliit na tao lang tayo, makabibigay tayo ng lasa at sigla sa iba. Ang effect natin ay hindi para sa atin, ito ay para sa iba, at hindi magbibigay ng pansin sa sarili kundi sa Ama na pinanggalingan ng lahat. Kaya sinabi ni Jesus na hayaan natin na maging maliwanag upang makita ang ating mabubuting gawa at pupurihin ng mga tao ang Ama. Hindi tayo tumatawag ng pansin sa ating sarili, hindi tayo nagmamayabang upang maging sikat o makilala. Hindi tayo nangungulekta ng maraming likes o maraming followers sa internet. Pero hindi naman natin tinatago ang ating kabutihan. Ang lahat ay ginagawa natin para ang Diyos ay purihin. Para sa kanya ang papuri at pasasalamat. Madalas na sabihin sa Bible na ang mga tao ay natutuwa at nagpupuri sa Diyos kapag nasaksihan nila ang mga himala ni Jesus.

Paano ba tayo magiging asin at magiging liwanag? Sinabi ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa: Ibahagi mo ang iyong pagkain sa mga nagugutom, patuluyin mo ang mga inaapi at mga walang matirhan sa inyong tahanan, damitan mo ang mga walang damit, at huwag mong talikdan ang kakilala mong nangangailangan. Kung gagawin mo ito magbubukang liwayway ang iyong liwanag. Pagpapalain ka ng Diyos at ang inyong mga kahilingan ay kanyang diringgin. Kung ikaw naman ang tatawag sa Diyos, sasabihin niya, narito ako. Kaya iwaksi na natin ang di-makatarungang gawain at ang pagpapakalat ng kasinungalingan upang kumalat ang inyong liwanag. Kaya papaano tayo maging asin at ilaw? Sa paggawa ng kabutihan at sa pagtanggal ng pang-aapi at ng pagsisinungaling. Sa ating panahon madaling magpakalat ng kasinunganling sa pag-se-share ng fake news o sa paninira ng iba. Kaya mga kapatid, huwag lang maniwala. Isabuhay ang paniniwala. Gawin ang mga gawain ng pag-ibig.

Kahit na kaunti lang ang ating magagawa, gawin pa rin natin. Kaunti lang ang ating pagbabalik handog, magbalik handog pa rin tayo. Tandaan natin ang ginawa ng isang bata. Noong marinig niya na kailangan ng pagkain ang higit na limang libo katao, ibinigay niya sa kamay ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda na mayroon siya. Marahil ito ay tinitinda pa niya. Ang kaunti niya sa kamay ni Jesus ay nakapakain sa marami. Ganoon din ang patotoo ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Nagpahayag siya sa Corinto na natatakot. Nagkaroon siya ng masamang experience sa Atena. Hindi tinanggap ng mga tagaroon ang magaling na talumpati niya.

Kaya nawala ang kanyang self-confidence pagdating niya sa Corinto. Simple na lang na mga salita at mga paliwanag ang ginamit niya. Doon tinanggap ng mga tao ang kanyang mensahe. Kaya nasabi niya na ang kanilang pananampalataya ay hindi nakasalalay sa mga magagaling na pananalita at pangugumbinsi. Ito ay nanggaling sa kapangyarihan ng Diyos. Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng simple na mga salita niya. Ginagamit ng Diyos ang maliliit na efforts at pagsisikap natin. Siya ang nagbibigay ng bunga sa ano mang gawain natin. Ipakilala lang natin siya.

Pero para tayo magkaroon ng effect, kailangan maging handa tayo na matunaw, tulad ng asin, o maupos tulad ng kandila. Mamamatay tayo, mawawala tayo upang makapagbigay ng lasa at liwanag. Iyan ang sinabi ni Jesus na limutin ang sarili, pasanin ang krus at mamatay sa ating sarili. Hindi ba nangyari din ito kay Jesus? Ang isang pag-aalay niya ay nagdala ng kaligtasan sa lahat, pero kailangan siyang mamatay upang tayo ay mabuhay. Nag-alay siya ng sarili niya para matanggap natin ang kaligtasan.

Isa sa desisyon ng kapulungan ng mga obispo noong nakaraang linggo sa CBCP ay ang pagtalaga ng unang linggo ng Pebrero na National Day of Awareness and Prayer against Human Trafficking. Ang human trafficking ay ang pangangalakal ng tao. Ito ay pang-aalipin sa iba. Ang madalas na nabibiktima dito ay ang mga bata at ang mga babae. Ibinebenta sila para sa sex o para sa trabaho. Binubugaw sila sa sex sa prostitution. Pinagbibili ang kanilang katawan sa makababayad nito. Ang iba naman ay ginagamit sa trabaho – mababang uri ng trabaho na hindi sapat ang suweldo at hindi makatao ang kanilang condition sa pagtatrabaho.

May mga OFW tayo na nabibiktima dito. Malaki po ang business ng human trafficking. Kasunod lamang ito ng arms trade – ang pangangalakal sa armas at ng pangangalakal sa droga. Mabuti po na magkaroon tayo ng kamalayan tungkol dito kasi maaaring mangyari ito sa atin dito sa Palawan. May mga mahihirap na pinapangakuan na magtrabaho sa Maynila o sa Cebu o kahit na sa mga resorts na hindi makatao ang kanilang kalagayan. Madalas ang nang-iimbita sa ganitong mga kalagayan ay mga kakilala din o ang kapamilya mismo. Hindi pa po nawawala ang pang-aalipin sa ating panahon ngayon. Ang tawag dito ay WHITE SLAVERY.

O ano naman ang magagawa natin na multi-billion na business na ito? Maging asin at ilaw. Kahit na kakaunti lang, gawin natin ang ating magagawa. Una, panalangin. Kaya magbalik handog ng panahon. Ipagdasal natin na hindi maloko ang mga mahihirap at ipagdasal natin na tumigil na ang gumagawa nito. Pangalawa, kaalaman. Pagkwentuhan natin ang mga bagay na ito upang tumaas ang kamalayan ng mga tao tungkol dito na ito pala ay nangyayari.

Pangatlo, maging mapagmasid. Kapag may nakita tayo na nanghihikayat ng trabaho sa ibang lugar o sa abroad man, tulungan ang iba na suriin muna kung totoo ang mga pangako o legitimo ang grupo na kinabibilangan nila. Maging mapagbantay. Sa pamamagitan ng maliliit na pamamaraan tulad ng asin at ilaw, sugpuin na natin ang malalim na kadiliman ng human trafficking.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 6,190 total views

 6,190 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 14,235 total views

 14,235 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 19,315 total views

 19,315 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,022 total views

 25,022 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,810 total views

 33,810 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,514 total views

 6,514 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,643 total views

 4,643 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,926 total views

 6,926 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,832 total views

 9,832 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,771 total views

 10,771 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,765 total views

 10,765 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,483 total views

 14,483 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,329 total views

 16,329 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,326 total views

 16,326 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,835 total views

 20,835 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,151 total views

 26,151 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,309 total views

 28,309 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,467 total views

 30,467 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,817 total views

 30,817 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,286 total views

 44,286 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top