294 total views

14th Sunday in Ordinary Time Cycle C

Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20

“Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang mensahe sa atin ng Diyos ngayong Linggo. Pero kakaiba ito sa mga nararanasan ng marami ngayon sa mundo. Ang damdamin ng marami ay pangamba. At ang direktang naaapektohan ay nakararanas ng sakit, takot at kamatayan. Ano ba ang mangyayari sa mundo na dumadami ang mga digmaan? Malalaki ang mga bomba na pinapalipad ngayon sa mga kaaway. Gumagamit ng drones ang Russia at Ukraine laban sa isa’t-isa. Marami ang tinatamaan ng mga drones na ito ay mga civilians. Patuloy na binobomba at pinupulbos ng Israel ang Gaza at ang Lebanon. Pinapatay nila ang mga walang kalaban-labang mga tao. Nagpapadala ng bomba ang Israel at ang Iran laban sa isa’t-isa at ganoon din ang ginagawa ng America laban sa Iran. Saan ba papunta ang mundo natin? Paano tayo magagalak sa ganitong sitwasyon?

Pero narinig natin sa sinulat ni propeta Isaias: “Magalak ang lahat, magalak kayo dahil sa Jerusalem.” Paano tayo magagalak dahil sa Jerusalem na siya nga ng bumobomba sa Gaza, sa Lebanon at sa Iran? Hindi ang Jerusalem ngayon at ang namumuno doon ang dahilan ng ating kagalakan, kasi kahit na mga Hudyo sila, hindi sila sumusunod sa Bibliya ng mga Hudyo. Mapaghiganti sila at pumapatay ng mga bata, ng mga kababaihan at ng mga matatanda at may kapansanan. Ayon sa plano ng Diyos ang mga Hudyo, ang mga anak ni Abraham, ay dapat maging pagpapala para sa mga bansa. Hindi nila ito ginagawa. Sila ang nagdadala ng kamatayan at pagkasira sa maraming mga Palestinians na wala namang kalaban-laban.

Narinig natin kay propeta Isaias sa ating pagbasa: “Akong Panginoon ang kumakalinga sa mga tumatalima sa akin.” Iyan dapat ang maging dahilan ng ating kagalakan, ang pagsunod natin sa kalooban ng Diyos. Ang tunay na Israel, ang tunay na Hudyo, ay ang sumusunod sa batas ng Diyos.

Iyan nga ang naging dahilan ng kagalakan ng mga apostol sa ating ebanghelyo. Pinadala sila ni Jesus sa hindi madaling misyon. Malaki ang misyon nila. Marami ang aanihin. Mapanganib pa. Para silang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. At sinabi pa ng Diyos na huwag silang magdala ng anuman – walang supot, walang lukbutan, walang panyapak. Huwag silang maging mapili kung saan sila tutuloy at hindi maging mapili sa kanilang kakainin. Tatanggapin nila ang anumang ihahain sa kanila. Huwag din sila magalit sa hindi pagtanggap sa kanila. Hayaan na lang nila sila at patuloy sila sa kanilang pagmimisyon. Hindi dapat sila mapigilan ng mga komokontra sa kanila.

Hindi madali ang pinagagawa sa kanila ni Jesus. Pero sinunod nila at hindi sila binigo ni Jesus. Talagang pinangangalagaan ng Diyos ang sumusunod sa kanya. Walang nakapinsala sa kanila ng mga mabangis at makamandag na mga hayop. Naging matagumpay sila. Pati ang mga demonyo ay sumusuko sa kanila. Napapakita nila sa mga tao na dumarating na nga ang paghahari ng Diyos. Naipaghanda din nila ang daraanan ng Panginoon.

Pero hindi lang ito ang ikagalak nila. Mas lalo dapat nilang ikagalak na nakatala ang kanilang pangalan sa langit. Ang ibig sabihin nito, na may gatimpala sila sa langit, hindi lang dito sa lupa. Mas higit pang kaligayahan ang nag-aantay sa kanila doon sa kabilang buhay.

Minsan sinabi ni Jesus na maging handa tayo na iwanan ang lahat upang sumunod sa kanya. Sinabi ni San Pedro: “Panginoon, iniwan namin ang lahat – ang aming pamilya, ang aming ariarian, ang aming lupain at ang aming trabaho, upang sumunod sa iyo. Ano naman ang mapapala namin?” Sinagot siya ni Jesus na ang sinumang tumalikod sa pamilya, sa bahay, sa ari-arian at sa kanyang sarili alang-alang sa kanya ay magkakaroon ng isang daang ibayo ng mga ito sa buhay na ito at ng buhay na walang hanggan sa kabilang buhay. Hindi natin matatalo ang Diyos sa kabutihan at sa pagiging mapagbigay. Ito ay ang dahilan ng ating kagalakan. Kaya magalak tayo kung tayo ay naglilingkod sa Diyos, kung tayo ay nagbibigay ng panahon sa kanya, kung tayo ay nagbabahagi ng ating kayamanan sa ating balik-handog para sa Diyos at sa ating kapwa. Magalak tayo at magsaya. Malaki ang ating gantimpala sa Diyos. Hindi siya pabaya. Hindi lang niya alam ang ating mga kasalanan, binibilang din niya ang lahat ng kabutihan natin. Sumunod lang tayo sa kanya.

Sa ating ikalawang pagbasa, hindi natatakot si Pablo sa mga krus at kahirapan sa buhay. Naniniwala siya na mabisa ang krus at nagtatagumpay ang krus. Nabubuhay siya dahil sa krus ni Jesus. Binago siya ng krus. Noong si Jesus ay namatay sa krus, nagkaroon siya ng bagong buhay. Gayon din binago tayo ng krus ni Jesus. Naging bagong nilalang tayo. Hindi na tayo naging makalaman; naging maka-espiritu na tayo. Sumaatin na ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos. Ito ang dahilan ng ating kasiyahan.

Tayo ay masaya hindi dahil sa maayos ang lahat, hindi dahil sa walang problema, at ni hindi dahil sa lahat ng ginugusto natin ay napapasaatin. Nagagalak tayo dahil sa sinusunod natin ang kalooban ng Diyos. Nagagalak tayo na binago tayo ng krus ni Jesus. Nagagalak tayo na may gantimpalang nag-aantay sa atin dito sa lupa at sa langit. Gusto ng Diyos na ibahagi ang kanyang kaligayahan sa atin. Ito ang dahilan ng ating kasiyahan, isang kasiyahan na hindi maibibigay ng mundong ito. Magalak tayo!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 20,767 total views

 20,767 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 31,395 total views

 31,395 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 52,418 total views

 52,418 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 71,223 total views

 71,223 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 103,772 total views

 103,772 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Homily June 29, 2025

 6,825 total views

 6,825 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 8,831 total views

 8,831 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 18,980 total views

 18,980 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 15, 2025

 13,912 total views

 13,912 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C Basic Ecclesial Community Sunday Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15 Kapag tayo ang nanonood ng

Read More »

Homily June 8 2025

 20,864 total views

 20,864 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 25,511 total views

 25,511 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 28,396 total views

 28,396 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »

Homily May 11, 2025

 29,317 total views

 29,317 total views 4th Sunday of Easter Cycle C Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 13:14.43-52 rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30 Ang pagpapastol

Read More »

Homily May 4, 2024

 26,011 total views

 26,011 total views 3rd Sunday of Easter Cycle C Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19 Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang

Read More »

Homily April 27, 2025

 20,191 total views

 20,191 total views 2nd Sunday of Easter Cycle C Divine Mercy Sunday Acts 5:12-16 Rev:9-11.12-13 Jn 20:19-31 Sa Muling Pagkabuhay, nararanasan natin ang kadakilaan ni Jesus.

Read More »
Scroll to Top