Huwag limitahan ang galaw ng mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total views

Pinangangambahan ng Federation of Free Farmers (FFF) ang pagkalugi at paghina ng kita ng mga magsasakang naninirahan sa mga lugar kung saan umiiral ang mahigpit na alert level 4 status.

Ayon kay FFF National Manager Raul Montemayor, sa pag-iral ng panuntunan sa Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Hilagang Samar simula January 21 hanggang January 31 ay maaapektuhan ng patakaran ang deliveries ng mga produktong nanggagaling sa nasabing lalawigan.

Sa ilalim ng alert level 4, ipinagbabawal ang interzonal at intrazonal travel maliban na lamang kung matitiyak na “esensyal” ito.

Ayon pa kay Montemayor, maari ding humina ang pag-suplay at kita ng mga magsasaka maging sa sariling lalawigan dahil sa paglilimita sa mga establisyimento kung saan 10% lamang sa indoor capacity at hanggang 30% lamang para naman sa outdoor capacity.

“Posibleng may epekto ito sa mga gulay na nanggagaling sa Mountain Province, Ifugao and Kalinga kung higpitan nila lang pag-transport ng mga produkto. Hihina din ang kalakalan ng mga produkto ng mga magsasaka sa mga lugar na ito dahil halos isasara ang mga kainan at pati mga palengke. Pero, hindi naman sana tatagal ito ay makakabalik sa Level 3 or mas mababang antas sa maikling panahon,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Montemayor sa Radio Veritas.

Pangamba rin ng FFF na maapektuhan ng alert level 4 status ang pag-pasok at pagdating ng mga farm supplies kagaya ng fertilizer at kagamitan sa pagtatanim dahil sa mahigpit na pagbabawal sa anumang hindi esensyal na paglabas, pagpasok at paglalakbay ng mga mamamayan sa sasakyan sa apat na lalawigan.

Umaasa ang grupo na hindi pagbawalan ang mga magsasaka sa kanilang mga sariling taniman.

Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat pinuno ng bansa na tiyakin ang sapat na suporta sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy nag pagtatrabaho ng mga manggagawang kabilang sa sektor sa kabila ng pananatili ng pandemya.

Habang naging panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa pamahalaan na bigyang pansin at tulungan ang sektor ng agrikultura dahil ang sila ang pangunahing taga suplay ng pagkain sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,618 total views

 53,618 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,487 total views

 49,487 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,689 total views

 85,689 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,194 total views

 94,194 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,018 total views

 119,018 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top