Ika-69 taong anibersaryo, ipinagdiwang ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,019 total reads

Ipinagdiwang ng Caritas Manila ang ika-69 anibersaryo ng paglilingkod at pagtulong sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “Synodality: A Collective Journey with the Poor as the People of God” bilang pakikiisa at pakikibahagi ng institusyon sa mga mahihirap para sa sama-samang paglalakbay bilang Simbahan.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT. Pascual, patuloy na gagampanan ng institusyon ang misyong tulungan ang mga mahihirap tungo sa pagkakaroon nang malusog na pangangatawan at maayos na kinabukasan.

“Sa 69 years natin na kung saan tayo’y nakikiisa sa synodality ni Pope Francis, naglalakbay tayo sa Panginoon kasama ang mga mahihirap at tinutulungan natin sila na matulungan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng ating education, health program, livelihood, at itong pagiging kasapi ng Christian, caring and sharing community – Church of the poor,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Fr. Pascual sa donors at benefactors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng social arm ng Archdiocese of Manila sa loob ng halos pitong dekada.

“Nawa pagpalain sila ng Panginoon, a hundredfold. At patuloy silang sumuporta sa napakagandang mission of charity ng Caritas Manila sa mga mahihirap at maysakit, lalo na ngayong panahon ng pandemya, economic crisis, at food crisis,” saad ni Fr. Pascual.

Samantala, pinangunahan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang thanksgiving mass at grand commissioning ng mga servant leader ng Social Services and Development Ministry ng social arm ng arkidiyosesis.

Ayon kay Cardinal Advincula, naging daluyan ng biyaya at pag-asa ang Caritas Manila sa gitna ng mga pagsubok sa buhay lalo na sa pag-iral ng coronavirus pandemic.

Dagdag ng Cardinal na hindi naging sagabal sa mga manggagawa at volunteer ng institusyon ang banta ng virus para lamang mapaglingkuran ang mga mahihirap at higit na nangangailangan.

“Sa pagpapadaloy ng malasakit ni Hesus at ng simbahan, nagbibigay tayo ng pag-asa. Sa tindi ng hirap ngayong pandemya, marami ang nais nang sumuko at umayaw sa buhay. Salamat sa sipag at malasakit ninyong lahat, marami ang nakatagpo ng pag-asa,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Sa loob ng 69-taon, patuloy na pinapalawig ng institusyon ang mga programa tulad ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP, Caritas Damayan, Sanlakbay, at Restorative Justice Ministry.

Binabalak din ng Caritas Manila na isulong at palakasin ang Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development (MCSED) upang maalalayan ang mga nasa mahihirap na sektor na magkaroon ng maayos na pagkakakitaan at hanapbuhay.

Unang kinilala bilang Catholic Charities, ang Caritas Manila ay itinatag noong Oktubre 1953 sa pamamagitan ng noo’y Arsobispo ng Maynila na si Rufino Cardinal Santos.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 17,941 total reads

 17,941 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 36,838 total reads

 36,838 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 76,563 total reads

 76,563 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 110,691 total reads

 110,691 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 167,096 total reads

 167,096 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,597 total reads

 178,597 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top