Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 56,929 total views

Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng mga evacuee na lumikas. Dahil sa ilang araw na pag-uulan dulot ng bagyong Crising at masamang panahon na dala ng hanging habagat., lumubog sa tubig baha ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig na lalawigan. Natuklasan na lahat ng flood control projects na pinopondohan ng bilyun-bilyong piso kada taon sa General Appropriations Act ay mga palpak at depekto.

Sabi ng pangulo sa mga sangkot., mahiya naman kayo! Palakpakan ang mga Senador, mga Kongresista, mga opisyal ng gobyerno, mga kontratista. Pumalakpak ang mga walanghiya., marami sa mga nagbunyi ay kasabwat sa iregularidad ng mga flood control project. Nangako na naman ang pangulo sa harap ng taumbayan., wala siyang sasantuhin. Napag-isipan kaya ng pangulong Marcos ang kanyang sinasabi?

Alam na ngayon ng Presidente ang mga kontraktor, mga opisyal ng DPWh, mga mayor., mga congressman na nagsabwatan sa mga depektibong flood control projects. Pero ayaw ng pangulong Marcos na isapubliko kung sino-sino ang mga ito. Bakit kaya? Wala ding marching order sa DOJ, sa Ombudsman na imbestigahan at kasuhan ang mga nagpasasa sa pera ng bayan? May ikinatatakot ba ang pangulo?

67 na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay sinasabi ni Senador Panfilo Lacson na kontraktor mismo ng kanilang proyekto na pinopondohan ng gobyerno simula pa noong 2023. May nagbulong daw kay Lacson, 50-proyekto ang sabay-sabay na ginagawa sa iisang lugar., nagkakahalaga ito ng 2.5-bilyong piso, pero ang kuwento., iisang back hoe lamang ang palipat-lipat na kunyari nagbubungkal. Walanghiya nga naman talaga!

Dahil medyo tumatahimik na ang alingasaw sa mga flood control project na nababalot ng korapsyon., to the rescue naman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso. Binuo ang “tri-committee” na binubuo ng House committee on Public Accounts., Public Works at Good Government na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa sinasabing anomalya sa mga flood control project sa buong bansa.

Sa ngayon, nakaantabay ang Kamara sa listahan ng lahat ng infrastructure project na sinasabing isusumite ng DPWH sa presidente ng Pilipinas. Saklaw daw ng imbestigasyon ang mga nakumpleto,hindi natapos, naantala, substandard at ghost projects.
Napabuntong-hininga ka ba Kapanalig, mag-iimbestiga ang Kamara, iimbestigahan nila ang 67-nilang (kabaro) o miyembro na baka kasapi pa sa tatlong kumite? Sabagay, in-aid of legislation lang naman.
Itinuturo ngayon ng Kamara si Senador Lacson at Baguio Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng mga katibayan, magpatunay sa ibinunyag nilang katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan. OO nga naman, ang sinasabing burden of proof ay laging nasa “whistle blowers” .

Pero sino ba ang dapat, anong mga ahensiya ang trabaho ay mag-imbestiga at magpapataw ng parusa ng mga sangkot sa iregularidad? Bakit kaya walang kumikilos na ahensiya ng pamahalaan? Mayroon bang pumipigil sa mga ahensiya ng gobyerno na ito na magmasid lamang?

Kapanalig, ang kasamaan ay laging merong hangganan at kabayaran.

Nais nating ibahagi ay sinasabi ng “2 Corinthians 11:13-15– For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ. And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAN ON ONLINE GAMBLING

 39,134 total views

 39,134 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

IN AID OF SECRECY

 56,930 total views

 56,930 total views Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 69,452 total views

 69,452 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 85,402 total views

 85,402 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BAN ON ONLINE GAMBLING

 39,135 total views

 39,135 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 69,453 total views

 69,453 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 85,403 total views

 85,403 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 98,620 total views

 98,620 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 110,465 total views

 110,465 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 151,152 total views

 151,152 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 180,425 total views

 180,425 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 130,093 total views

 130,093 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 116,894 total views

 116,894 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
Scroll to Top