Initial report ng CHR hinggil sa DUI, ilalabas sa Enero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 990 total views

Ilalabas na ng Commission on Human Rights ang kanilang paunang imbestigasyon hinggil sa nagaganap na extrajudicial killings (EJKs) o death under investigation (DUI) kasabay ng kampanya ng gobyerno laban sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, laman ng kanilang report ang naganap na DUI sa loob ng unang anim na buwan na pamumuno ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naganap ang mga pagpatay.

“Sa panahon po na ito, nagsasagawa pa lang kami ng mga imbestigasyon at inaasahan po namin sa Enero maari na kaming magbigay ng paunang pahayag or report sa naganap sa 6 month campaign against drugs ng (gobyerno) hopefully doon natin mabibigyang kasagutan ang ilang katanungan na nasa isip natin, it will be a 6-month preliminary report,” pahayag ni Atty. De Guia sa panayam ng Radio Veritas.

Aminado ang CHR na labis na rin silang nababahala sa lumalaking bilang ng kaso ng mga pagpatay na hindi alam kung sino ang nasa likod nito kaya’t masigasig at masusi ang kanilang imbestigasyon para sa agarang ikalulutas nito.

“Dahil tumataas ang bilang ng reported killings sa bansa, ito ay nakababahala na kailangan natin tingnan ang sitwasyon. Yung EJK na hindi natin matukoy kung sino mga nasa likod nito, ang amin ay para tingnan at alamin ano ang motibo at sino ang nasa likod kung sila ba ay mga nasa kapangyarihan at tinitingnan natin kung may ginagawang imbestigasyon ang kapulisan dahilan ang mga pagpatay ay isang krimen at hindi natin binabalewa ang karapatan sa buhay,” ayon pa sa CHR spokesperson.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa 2,124 na pinaghihinalaang users at pushers ang napatay mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 18 ng taon habang nasa 3,993 ang kaso ng death under investigation.

Mariing iminungkahi ng mga obispo ng Simbahan sa pamahalaan na lutasin ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, pagsasaalang sa tama, makatwiran at makatarungang pamamaraan na may paggalang sa buhay at karapatan ng bawat isa.
http://www.veritas846.ph/panalangin-alay-ng-chr-sa-bagong-administrasyon/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,004 total views

 51,004 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,873 total views

 46,873 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,075 total views

 83,075 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,679 total views

 91,679 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,691 total views

 116,691 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,490 total views

 80,490 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,784 total views

 270,784 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top