Insidente ng pagpapatiwakal sa loob ng simbahan, ikinalulungkot ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

 5,416 total views

Ikinalungkot ng Archdiocese of Caceres ang insidente ng pagpatiwakal sa loob ng San Francisco de Asis Parish sa Naga City nitong June 29 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Sa pahayag ni Naga Chancellor Fr. Darius Romualdo, JCD nakiisa ito sa pagdadalamhati ng pamilya ng 18 taong gulang na biktima gayundin sa mga indibidwal na apektado.

Tiniyak din ng arkidiyosesis ang pakikiisa sa mga awtoridad na nagsagawa ng imbestigasyon kasabay ng mga panalangin ng paghilom.

“We extend our heartfelt prayers and compassion to the bereaved family and to all parishioners who have been affected by this painful event. In these moments of sorrows and uncertainty, the Church offers not judgment, but the hope of Christ’s mercy, who came to bind up the wounded and heal the brokenhearted. The Archdiocese is also collaborating closely with the proper authorities,” bahagi ng pahayag ni Fr. Romualdo.

Dahil sa insidente pansamantalang isasara sa publiko ang simbahan alinsunod sa isinasaad sa Canons 1211 – 1212 ng Canon Law upang bigyang daan ang ‘reparations’ sa sagradong lugar.

Pansamantalang suspendido ang mga liturhikal na gawain ng simbahan sa hanggang July 2 para sa panahon ng pananalangin, pagluluksa at paghingi ng kapatawaran.

“The Rite of Reparation and Healing will be held on the evening of July 2, 2025, to restore the church’s sacred character and offer communal healing,” dagdag ng pari.

Dalangin ng simbahan ang kapayapan ng kaluluwa ng biktima habang hiniling sa publiko na bigyang pagkakataon ang pamilyang makapagluksa gayundin ang apelang maging maingat at mahinahon sa mga komento kaugnay sa insidente lalo na sa social media.

Hinimok din nito ang mga nakararanas ng labis na kalungkutan at mga may pinagdaanan na sumangguni sa mga pari, counselor at maging sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan upang maibsan ang anumang nararanasan.

“Recognizing the emotional toll this incident has caused, the Archdiocese is making available the services of licensed psychologists and trained pastoral counselors to provide debriefing, trauma support, and spiritual accompaniment to the immediate family of the deceased, parishioners who witnessed or were affected by the incident, as well as the clergy, staff, and volunteers at the parish,” ani Fr. Romualdo.

Samantala bukas din ang Catholink ng Radyo Veritas katuwang ang iba’t ibang counselors sa bansa para sa mga nangangailangan ng psycho-spiritual support na mga indibidwal kung saan maaring makipag-ugnayan sa 8925-7931 to 39 local 117.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 31,518 total views

 31,518 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 73,732 total views

 73,732 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 89,283 total views

 89,283 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 102,437 total views

 102,437 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 116,849 total views

 116,849 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 36,931 total views

 36,931 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top