7,274 total views
Itinalaga ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Edwin Lopez ng Eternal Word Television Network o EWTN Asia-Pacific bilang executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtalaga ng layko ang CBCP bilang communications officer ng komisyon ng simbahan na karaniwang pinamamahalaan ng isang pari.
Si. Edwin Lopez, ay 24 na taon na bilang international manager ng EWTN Asia-Pacific-isang pandaigdigang Catholic Media organization
Papalitan ni Lopez si Fr. Ildefonso Dimaano ng Archdiocese of Lipa, na nagsilbi sa posisyon mula taong 2020.
Una nang itinalaga ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera si Fr. Dimaano bilang tagapagsalita ng kapulungan ng mga obispo, habang patuloy na magsisilbi bilang director ng Lipa Archdiocesan Social Communications Commission (LASAC).
Makakatuwang ni Lopez sa kanyang bagong tungkulin si Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, chairperson ng social communications ministry ng CBCP.
Bukod sa Soccom ministry, si Lopez ay kasalukuyan ding board member ng TV Maria ng Archdiocese of Manila at propesor sa philosophy and theology department ng San Carlos Seminary.




