Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

SHARE THE TRUTH

 12,330 total views

August 13, 2020

Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay nagtataglay ng novel coronavirus.

Ayon sa obispo na isang Covid-19 survivor, bagama’t kinakailangan silang ibukod dulot ng nakakahawang sakit ay hindi nawa nila maramdaman ang paglayo at pag-iwas.

Iginiit ng Obispo na maraming paraan para ipadama sa mga nagtataglay ng karamdaman ang kalinga ng kanyang kapwa lalu na sa panahon ng kanyang pag-iisa.

“Hindi dapat natin sila pabayaan. Totoo i-isolate sila, pero inspite of isolation we can still make some steps to draw close to them and make them feel na hindi naman sila pinabayaan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Pastoral Visit on-air ng Barangay Simbayanan.

Binigyan diin ni Bishop Pabillo na sa panahon ni Hesus kung saan laganap ang ketong at pinandidirihan ng marami ay patuloy niya itong kinalinga at ipinaramdam na hindi sila nag-iisa.

“Si Hesus nga, He integrated people back to the community. Hindi lamang pinagaling, He integrated them back to the community. At tayo sana ganundin, kaya yung hamon sa atin is how do we minister for those who are sick with covid,” dagdag pa ng obispo.

Ayon kay Bishop Pabillo, ilan sa maaring gawin ay ang pangangamusta, pagdadala ng kanilang pangangailangan at suporta sa kanilang agarang paggaling.

Si Bishop Pabillo ay nagpositibo sa Covid-19 na bagamat isang asymptomatic ay sumailalim sa quarantine upang hindi na makahawa at tuluyang gumaling mula sa karamdaman.

Bukod kay Bishop Pabillo, ilang pang mga lingkod ng simbahan ang nagtatagkay ng Covid-19 kabilang na si Bishop-emeritus Deogracias Iniguez, at apat na pari mula Diyosesis ng Kalookan at Archdiocese ng Caceres.

Nauna rito, naglabas ng joint Pastoral Statement sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Seminaries at San Jose Bishop Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na humihikayat sa lahat ng mananampalataya lalu na sa lahat ng Church institution na tumugon sa COVID-19 pandemic “with the eyes of faith, with the heart of charity and with the armor of truth”.

Ang joint pastoral statement ay inindorso ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng C-B-C-P.

attachment:
https://www.veritas846.ph/joint-pastoral-message-of-cbcp-ecs-and-eccce/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 65,654 total views

 65,654 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 89,644 total views

 89,644 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 80,100 total views

 80,100 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 96,257 total views

 96,257 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 135,967 total views

 135,967 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 96,956 total views

 96,956 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 203,223 total views

 203,223 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 229,037 total views

 229,037 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 239,575 total views

 239,575 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top