Isantabi na ang “dole-out” mentality, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,604 total reads

Tulungan ang mamamayan na makaahon sa kahirapan hindi sa pamamagitan ng “dole-out”.

Ito ang hamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa naitalang pagbaba ng inflation rate noong Abril na umabot sa 6.6% kumpara sa 7.6% noong Marso.

Ayon sa Obispo, bagamat mabuti ang pagbaba ng mga presyo ng bilihin at serbisyo ay hindi naman ito kagyat na nararamdaman ng mga mahihirap.

“Kaya alam niyo na ang pagpapaganda ng buhay ng tao ay hindi yan madaliang gawain, yan ay talagang dapat ay consistency, may mga polisiya na nakalagay kung paano makakatulong sa mga tao.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabilo.

Inihayag ni Bishop Pabillo na nararaoat lumikha at ipatupad ng pamahalaan ang mga umiiraal na batas na layuning mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mamamayan na hindi naaapektuhan ng anumang paggalaw ng presyo ng bilihin.

Umaapela naman si Bishop Pabillo sa mamamayan na suportahan ang mga programa ng simbahan na layuning itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Ito ay ang mga inisyatibong katulad ng Pondo ng Pinoy kung saan ang nalilikom na pondo ay nilalaan sa pagpapakain at pagtulong sa mga mahihirap at naninirahan sa lansangan.

“Tulad ng pagiging katiwala, mabuting katiwala we need to have more sharing of resources para gumanda ang kalagayan ng mga tao kaya’t sana’y mapaigting natin yung mga programa na nakakatulong sa kapwa, tulad ng Pondo ng Pinoy maliit lang naman yan pero kung masanay tayo talagang magbahagi malaki ang maitutulong niyan.” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Taon taon din ay umaabot sa milyon-milyong Pilipino ang natutulungan ng mga programa ng pamahalaan na katulad ng pamamahagi ng financial aid, pagpapatupad ng mga Sustainable Livelihood Programs at Tulong para sa mga Displaced/Distressed Workers o Tupad Program na gawain ng Department of Social Welfare and Development.

Habang noong 2022, simula ng pag-iral ng mga lockdowns noong Marso 2020 bunsod ng COVID-19 hanggang Disyembre 2021 ay umabot sa 2-bilyong piso ang nailaang pondo ng Caritas Manila sa mga naapektuhan ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 207,029 total reads

 207,029 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 234,368 total reads

 234,368 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 268,489 total reads

 268,489 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 324,893 total reads

 324,893 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top