Ituon ang sarili sa tunay na diwa ng Kuwaresma, panawagan ng Simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na huwag magpaapekto sa mga pagbabago sa mga gawain ng simbahan ngayong kuwaresma bilang pag-iingat sa kumakalat ng corona virus disease.

Sa pahayag ng obispo sa social media, binigyang diin nito na dapat nakatuon pa rin ang mananampalataya sa tunay na diwa ng pagdiriwang ang pagbabalik loob sa Panginoon.

“There may be changes in some of the church practices that we do, but let us not be side-tracked by these discussions from the real meaning of the season of Lent which is a season of grace and conversion. Let us go to the core meaning of our rites rather than be confused by changed external practices,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Sa panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ibubudbod sa ulo ang abo sa halip na ipapahid sa noo bilang bahagi ng pag-iingat ayon na rin sa panawagan ng World Health Organization.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, batay sa bibliya na karaniwang ginagawa sa ibang mga Simbahan sa mundo, sa ulo nilalagay ang abo gayunpaman hindi iginiit ng obispo na hindi nagbabago ang kahulugan nitong pagpapanibago sa sarili.

“In the Bible and in many churches in the world, the ashes are put on the top of the head, not on the forehead. More than where the ash is imposed and in what manner, the meaning is the same. The ashes imposed on us is a call to humility and repentance,” dagdag ng obispo.

Bukod sa Miyerkules ng Abo, maari ring maapektuhan ang malaking pagtitipon ng Simbahan tulad ng mga kumpisalang bayan, prusisyon, Daan ng Krus at iba pa.

Tiniyak naman ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) na walang banta sa kalusugan ang pagpapatuloy ng gawaing simbahan dahil walang naitalang kaso ng local transmission sa bansa.

Mahigpit na ipinaalala sa mamamayan ang ibayong pag-iingat at sundin ang mga payo ng kagawarang pangkalusugan hinggil sa kalinisan sa katawan.

Sa paggunita ng Miyerkules ng Abo, tinatawagan ng Simbahan ang mananampalataya na magtika, manalangin at magbigay ng limos sa nangangailangan bilang pakikiisa sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

“Let us not be side-tracked by the corona virus in living the season of grace this lent,” ayon kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 12,501 total views

 12,501 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 34,506 total views

 34,506 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 58,848 total views

 58,848 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 82,855 total views

 82,855 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 117,739 total views

 117,739 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top