Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jubilee churches, itinalaga ng Diocese ng Kidapawan

SHARE THE TRUTH

 517 total views

Dalawang simbahan ng Diocese ng Kidapawan ang itinalaga bilang jubilee church bilang paghahanda sa ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas na na magsisimula sa Abril ng susunod na taon hanggang sa Marso ng 2022.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito ang ang mga simbahan ng ang Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral at ang Sta. Teresita del Niño Jesus Parish. “We identified and designated jubilee churches. Meron kaming dalawang jubilee churches na kung saan magkakaroon kami ng ‘holy doors,” ayon sa pahayag ni Bishop Bagaforo.
Bukod sa pagkakaroon ng holy door, gaganapin din sa sa dalawang natatanging simbahan ang ‘binyagang bayan’ kasabay ng pagdiriwang ng Pilipinas ng kauna-unahang binyag sa Cebu, noong ika-14 ng Abril 500-taon na ang nakalilipas.
“On the day ng anniversary ng first baptism na ginawa sa Cebu nung 1521 magkakaroon kami ng ceremonial tsaka binyagan ng bayan dito rin sa dalawang designated jubilee churches namin,” dagdag pa ng obispo.
Ayon sa obispo, 500-mga bata ang bibinyagan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng bansa sa kauna-unahang kristiyano na sina Raja Humabon at asawa niyang si Humani na kinilala rin sa kanilang kristiyanong pangalan bilang Don Carlos at Doña Juana.
Bahagi rin ng programa ng simbahan ng Kidapawan sa ika-limang sentinaryo ng Kristiyanismo ang serye ng mga talakayan, pagninilay at pagbisita ng mananampalataya sa itinalagang jubilee churches ng diyosesis.
“All throughout the year from April 2021 until 2022 ng March, magkakaroon kami ng mga series of schedule pilgrimages kaming gagawin sa aming mga jubilee churches na kung saan may confession available at may mga talks na ibibigay kami recollections na gagawin sa lahat ng aming mga simbahan before sila magpunta at magbisita sa jubilee churches,” ayon pa sa obispo.
Una na ring inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapalawig ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo ng Pilipinas dulot na magsisimula sa 2021 hanggang sa 2022 dulot na rin ng pandemya. Ilang mga programa rin ng simbahan ay ipagdiriwang online bilang patuloy na pag-iingat laban sa novel coronavirus.
Ayon sa kay CBCP-vice president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David hindi na mahalaga kung makakapagtipon-tipon pa ang malaking bilang ng mga mananampalataya subalit maraming paraan para ipagdiwang ito gamit ang social media.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 30,122 total views

 30,122 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 44,182 total views

 44,182 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 62,753 total views

 62,753 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 87,391 total views

 87,391 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 37,122 total views

 37,122 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »
1234567