Kabataan, hinamon ni Archbishop Uy na manindigan sa talamak corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,754 total views

Pinaalalahanan ni incoming Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga kabataan na sila ang kinabukasan at pag-asa ng bayan, kaya’t hindi sila dapat manahimik sa harap ng talamak na korapsyon.

“If corruption continues, it is your future that is stolen—your dreams, your opportunities, your dignity. You are the hope of our nation and the guardians of tomorrow,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang paglaban sa katiwalian ay hindi lamang usapin ng pamahalaan kundi isang misyong Kristiyano upang isulong ang katotohanan, katarungan, at pag-asa para sa bayan.

“To fight graft and corruption is to defend truth, justice, and the poor. When you stand for honesty, you bring light into the darkness of our society,” dagdag ng arsobispo.

Tinukoy ng arsobispo na ang korapsyon ay sumisira sa tiwala ng publiko, nagnanakaw ng yaman ng mga mamamayan lalo na ng mga mahihirap, at nagpapahina sa pundasyon ng lipunan.
Dagdag ng pastol, ang mga simpleng gawain gaya ng panunuhol sa mga tanggapan, pagbibigay ng regalo kapalit ng pabor, o pandaraya sa paaralan ay nagiging normal sa lipunan at lalo lamang nagpapalaganap ng katiwalian.

Hinikayat ni Archbishop Uy ang mga kabataan na makiisa sa pagbabago ng bansa sa pamamagitan ng pagpili ng mga lider na may integridad, at sa patuloy na pagbabantay at paniningil ng pananagutan sa mga halal na opisyal.

“The healing of our nation begins with the conversion of every citizen. Vote and campaign for leaders who are honest and who care for the poor. We must not only demand accountability from leaders—we must also practice it ourselves,” ani Archbishop Uy.

Naniniwala ang arsobispo na ang aktibong pakikibahagi ng kabataan sa paglilingkod at pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan ay kongkretong pagsasabuhay ng pananampalataya at pagtupad sa misyon ni Kristo na magmahal at magmalasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,638 total views

 61,638 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,507 total views

 57,507 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,709 total views

 93,709 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,908 total views

 101,908 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,091 total views

 126,091 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top