124,872 total views
Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa.
Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap na maraming problema sa araw-araw na pamumuhay.
Kapanalig, ang mabagal na daloy ng trapiko kasama ng maraming hamon sa ating sarili kada araw ay sinusubukan ang haba ng ating pasensiya… Kailangan lamang natin, isabuhay ang self-control… ang kababaang loob.
Kapag wala tayong mahabang pasensiya, kapag nanaig ang galit (anger) sa ating puso, magdudulot ito ng masama tulad ng naganap na “road rage” sa Boso Boso, Antipolo na ikinasawi ng isang rider at injuries sa iba pa.
Ang insidente sa Antipolo ay madalas na nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.. Ito ay isang paalala sa lahat na ang simpleng hindi pagkakaunawaan sa kalsada ay magdudulot ng trahedya. Kapanalig, supilin natin ang galit, iwasan natin ang makipag-argumento at maging kalmado. Ang simpleng pagkakaunawaan ay hindi mareresolba sa init ng ulo, madadaan ito sa maayos at mahinahon na pag-uusap.
Kapanalig, ang mga kalsada ay para sa lahat… Bilang mamamayan na gumagamit ng mga ito, lahat po tayo ay may obligasyong maging magalang at maging disiplinado para sa ating kapwa.
Simple lamang ang ating gagawin sa alinmang problema sa trapiko sa mga lansangan… Magbigayan..
Nakakalungkot ang nangyari sa Antipolo, hindi dapat tayong nagkakasakitan,.. walang buhay na dapat mawala dahil lamang sa nagkakainitan ang mga ulo.
Isabuhay natin ang katuruan ng Simbahang Katolika sa pagiging patience, understanding at compassion.. Ang galit na nagreresulta sa pagkasawi, pagkamatay at pagkasugat ng kapwa ay maituturing na “mortal sin” … isa itong kabalintunaan sa itinuturo ng Santa Iglesia na “kawanggawa”(charity).
Itinuturo sa Psalm 37:8– “Refrain from anger and turn from wrath, do not fret, it leads only to evil” should also remind everyone that a single action taken in anger can have irreversible consequences.
Kapag, sinasabi sa CATHECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH 95-96 na “Anger is a desire for revenge.To desire vengeance in order to do evil to someone who should be punished is illicit,” but it is praiseworthy to impose restitution “to correct vices and maintain justice. If anger reaches the point of a deliberate desire to kill or seriously wound a neighbor, it is gravely against charity; it is a mortal sin. The Lord says, “Everyone who is angry with his brother shall be liable to judgment.”
Sumainyo ang Katotohanan.