Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kampanya laban sa paninigarilyo, paiigtingin ni Senator Cayetano

SHARE THE TRUTH

 1,525 total views

Tiniyak ni Senator Pia Cayetano ang pagpapaigting sa adbokasiyang magsusulong sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Ito ang mensahe ng mambabatas makaraang gawaran ng World No Tobacco Day (WNTD) Award ng World Health Organization kamakailan.

Ayon kay Cayetano isang karangalan ang pagkilala subalit batid ang kaakibat na tungkuling ipagpatuloy ang health advocacy sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

“It’s an honor, but I consider it a happy burden also that I will carry, as I continue to speak up about what we need to do, what we need to ban, and what we need to regulate, in any opportunity that I get.” bahagi ng pahayag ni Cayetano.

Inialay ng mambabatas ang natanggap na parangal sa kanyang mga magulang na sina late Senator Rene Cayetano at Sandra Cayetano na naghubog at nagturo sa kahalagahan ng malusog na pamumuhay.

Kilala ang mambabatas na nagsulong ng Sin Tax Reform Act at Graphic Health Warning Law upang paigtingin ang kampanya laban sa paninigarilyo na isa sa pangunahing sanhi ng malubhang karamdaman.

Pinasalamatan ni Cayetano ang mga grupong katuwang sa pagsusulong ng adbokasiya kabilang na sina Dr. Maricar Limpin, ang director ng Action on Smoking and Health (ASH) Philippines; Dr. Yul Dorotheo, executive director ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA); Dr. Antonio Dans, professor ng University of Philippines College of Medicine; at ang policy think-tank, Action for Economic Reforms.

Ayon kay WHO Representative Dr. Rui Paulo de Jesus ng Timor Leste ang pagkilala ay bunsod ng malaking ambag ni Cayetano sa tobacco control sa Pilipinas.

Sa datos ng Lung Center of the Philippines, 321 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa tobacco-related diseases habang walong milyon naman kada taon sa buong mundo kung saan mahigit sa pitong milyon dito ang direktang gumagamit ng tobacco at isang milyon ang second-hand smoke.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,102 total views

 14,102 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,202 total views

 22,202 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,169 total views

 40,169 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,427 total views

 69,427 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,004 total views

 90,004 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,919 total views

 3,919 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,527 total views

 9,527 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,682 total views

 14,682 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top