Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapakanan ng manggagawa, ipinagdarasal ng opisyal ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 2,295 total views

Ipinapanalangin ng opisyal ng Archdiocese of Manila ang kapakanan ng mga manggagawa kasabay ng paggunita kay San Jose, manggagawa.

Ayon kay Caritas Manila executive director at Radio Veritas president, Fr. Anton CT. Pascual, nawa’y sa pamamagitan ni San Jose na patron ng nga manggagawa ay makita ang kahalagahan ng tungkulin ng mga manggawa sa pagkakaroon ng maunlad na lipunan.

“Sa ating mga manggagawa na siyang biyaya ng Diyos ang paggawa, nawa sa panalangin ni San Jose, Manggagawa—ang ating patron—atin pong pahalagahan ang kabanalan ng paggawa. Dito natin nakikilala ang ating sarili ang ating misyon, ang ating pagkatao, at ang plano ng Diyos sa ating buhay,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling naman ng pari na bigyan ng kaukulang pansin ng lipunan ang karapatan at kalagayan ng mga manggagawa sa bansa na patuloy na humaharap sa hamon ng iba’t ibang krisis.

Sinabi ni Fr. Pascual na karamihan sa mga manggagawa ang naapektuhan ng tatlong taong pag-iral ng coronavirus pandemic.

Gayundin ang patuloy na usapin sa pagbibigay ng sapat na sahod at kontraktwalisasyon ng mga manggagawa o Endo kaya’t nananatili ang antas ng kahirapan at unemployment rate sa bansa.

“Nawa’y bigyan diin ng lipunan ang kahalagahan ng paggawa. Anuman ang ginagawa natin, ito ay makabuluhan at marangal, at nagbibigay ng dignidad sa bawat isa,” ayon kay Fr. Pascual.

Batay sa huling ulat ng Philippine Statistics Authority, nananatili pa rin sa 4.8 percent o 2.47 milyon ang unemployment rate sa bansa nitong Pebrero 2023.

Mas mataas ito ng 102-libo sa ulat noong Enero nang kasalukuyang taon na umabot sa 2.37 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang hanapbuhay.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Exercens, binigyang diin nito ang pagpapahalaga sa dignidad ng manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,925 total views

 10,925 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,025 total views

 19,025 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,992 total views

 36,992 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,300 total views

 66,300 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,877 total views

 86,877 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,007 total views

 8,007 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,298 total views

 9,298 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,697 total views

 14,697 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,681 total views

 16,681 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top